MAGSASALITAN lang ang maghapon at magdamag sa 24 oras. Na aabot sa 613,200 oras sa loob ng 70 taon, karaniwang haba ng buhay ng tao sa Pilipinas. Walong oras ang nalalagas sa 24 bawat araw—kailangang ilaan sa mahimbing na tulog para sa lakbay-diwa, sabi’y para makiugnay sa tinatawag na subconscious. Para higit na maging matalim ang talisik sa kaalaman na tagos hanggang himaymay ng laman. May nalalabi pang 16. Pero maliligis ang 3-4 na oras sa biyahe tungo sa araw-araw na gawain. Sandosenang oras na lang! Ilalaan ang walong oras sa daloy ng gawain. May butal pang apat na oras. Sabihin nang ilaan ang dalawang oras sa mabotehang usapan. Gimik. Investment in social capital. Higit na malaki’t mataas raw ang kita at antas ng pamumuhay ng mga naglalaan ng ganoong puhunan. Dalawang oras na lang ang mailalaan para sa asawa’t anak at iba pang mahal sa buhay. Bonding. Dalawang oras lang ba sa araw-araw ang maiuukol sa kanila? Natuos kung paano naubos ang 24 oras, walang nalabi kahit kapirasong sa...
Prizewinning Filipino writer's musings, written in English and Tagalog-based Filipino.