NAGMUNGKAHI minsan ang yumaong Lee Han Kiad. Mas kilala siya bilang Peter Lee na mahusay sa tennis at pagiging restaurateur. Mahusay ang mungkahi. Sa halip na dumagdag pa sa buhol-bulbol na usad-trapiko para madalaw ang puntod o libingan ng mga namayapang mahal sa buhay, pabayaan natin na tayo naman ang dalawin nila. Para maiba naman.
Napulot ng mga matanda sa aming angkan ang kinagawian mula pa sa Mexico. Katumbas kasi ng ating Undas ang magkasunod na araw na Dia de los Muertos sa lupain ng fuerte tequila y sabroso tamale ng mga ale at pinagmulan ng kinalokohang telenovela na Marimar alias Thalia na ang una palang pangalan ay Jenni.
Dumadanak ang pagkain sa piging na kaakibat ng Undas. Todo handaan. Pero mauungkat sa pagdiriwang ng Mexico (ang talagang pinaghanguan natin ng pagdiriwang) na karaniwang mga kinagigiliwang pagkain ng mga dinalaw na mga mahal na yumao ang inihahain. Para makisalo ang mga namayapa sa hindi pa matahimik.
Mga hamak na pagkain ang naibigan at niluluto ng isa kong lolo, si Dominador Gomez. Halimbawa’y inihaw na bulig o mga mumunti pang dalag na maisasawsaw sa kinatas na murang sampalok at bagoong Pangasinan. Pinapaitang kambing o kappokan na ang sabaw ay finely digested grass at samut-saring lactic acid bacteria sa katas mula dinding ng maliit na bituka ng kambing—the fully processed food of a ruminant about to be absorbed into the bloodstream. Wickedly delicious!
Isama ang ginataang murang dahon ng dapdap o red coral tree na ang malambot na kahoy ay inuukit, ginagamit na maskara ng mga kasali sa Moriones Festival ng Marinduque.
Pati cabra calderetta-- kalderetang kambing na iginisa muna sa saganang mantekilya.
Idagdag ang burudibud o pinakbet na may sangkap na bunga ng malunggay saka kamote para manamis-namis sa panlasa. O kahit pinakbet na bagnet mula Vigan o inasin mula Bontoc ang pangunahing kalahok.
Magugunita ko si Lolo Domeng sa mga ihahanay na ganoong pagkain sa hapag-kainan. Matingkad na mga gunita na mangunguya, lalasapin sa panlasa.
Sa aking pakiramdam, magkasama naman si Lolo Domeng at Peter Lee. Doon na sila magtatagpo. Tiyak na magkakasundo sila sa paglikha ng mga makagigiliwang lutuin. Pati sa pagtikim-tikim sa luto ng langit.
Sana’y magkasundo silang dalawa. Na gawin naman ang payo ni Peter Lee. Sila naman ang dumalaw sa kanilang mga naiwan—at busugin kami sa kanilang ihahandang kung anu-anong malalapang.
Tiyak na mabubusog kami pati sa makukulay, masasarap na ala-ala!

Comments