PASLIT pa kami noon, hihimukin ni Ama na sumayaw-sumabay sa ilang galaw mula hung gar kung fu ng dalubgurong Wong Fei-hung. Sa iglap na igkas ng bisig at pihit ng baywang, gagagarin ang magkasanib na marahas na hampas at mayuming kislot ng alon.
Bibira pa a la Gregorian chant kasabay ng galaw ang isang salitang ugat mula Sanskrit. Tumutukoy daw sa tubig. Nananawagan. Taimtim na humihiling ng ulan. Maski buhos ng unos. Payag kahit todo delubyo.
Sanlinggo yata kaming magpapagpag ng mantika’t magpapatagaktak ng pawis sa ganoong ritwal bago sumapit ang Disyembre 31, bisperas ng bagong taon.
Kahit paano’y nasusuklian ang hirap namin ng katiting na ambon—na tahasang pagsuwag o mapangahas na pagbuwag sa pyrotechnic tradition para salubungin ng kasalaulaan ang pagpihit ng taon.
Talamak na air pollution daw ang nakagawian ng Filipinoise para magpaalam sa lumang taon, sumalubong sa bagong taon. Salaula raw ang ganoong gawi. Na hindi inuungkat, hindi sinusuri.
Malalagasan naman ang bulsa ng P15,000 pamasahe sa PAL—sana’y mabasa ito ng mga kabig ni Dr. Lucio Tan-- kung lilipad sina Mama at Ama papuntang Davao City para sumalubong sa bagong taon. Ipinagbawal na kasi doon ang paputok. Kaya tiwasay at malamyos na sasapit sa mga tagaroon ang simoy-amihan sa halip na ingay-alingasaw at sambulat-sansang ng pulbura’t ligalig.
Hindi pa namin kayang gumastos ng mga P5 milyon para umupa ng eroplano’t bumili ng saku-sakong asin para sa isasagawang cloud seeding. Para magpabuhos ng ulan kahit sa paligid lang ng aming tahanan. Para huwag nang magdamay pa.
Kasi’y kami lang yata ang may kakaibang hilig. At pananalig. Hangad namin na buhos ng biyaya mula kalangitan ang magiging muhon sa unang araw ng bawat bagong taon. Para tuloy-tuloy na agos-buhos ng biyaya sa buong taon.
Sa isang agricultural research facility sa Puguis, La Trinidad, Benguet manunuluyan sina Mama’t Ama ng ilang araw hanggang sa pagpasok ng 2007. Babakasyon sa 50-ektaryang latag ng bulubunduking lupain sa Cordillera.
Cloud forest pa raw doon—suson-suson ang namumuong ulap tuwing hapon. Ligid ang lunan ng mga huklubang pine trees. Coffea arabica, lemon, lime, mandarin at ponkan oranges ang nakataliba sa pagitan ng mga pino. May mga bahaging inilaan sa iba pang pananim—kamatis, repolyo, pimiento, sayote, leeks, strawberries, mga halamang ornamental at namumulaklak.
Every stretch of the terrain throbs with teeming life. Doon sila gagalugad. Maghahagilap ng mga binhi ng pino o mga laglag na bulaklak ng sanggumay.
Sa ganoong tanawin sila maghihilamos, magkakatkat ng mga natipong agiw sa paningin at pananaw.
Sa halip na walang saysay na paputok, pulos kuliglig, samut-saring huni ng kulisap, at patak ng namuong hamog mula bubong ang maririnig sa kahabaan ng magdamag. Hahaplos ang mapanlunas na musika sa dibdib at utak.
Saka may banayad na buhos ng ulan tuwing sumasapit ang paghuhunos ng taon. Iyon ang talagang pakay nila sa pagtungo sa ganoong liblib na lupalop.

Comments