MAGSASALITAN lang ang maghapon at magdamag sa 24 oras. Na aabot sa 613,200 oras sa loob ng 70 taon, karaniwang haba ng buhay ng tao sa Pilipinas.
Walong oras ang nalalagas sa 24 bawat araw—kailangang ilaan sa mahimbing na tulog para sa lakbay-diwa, sabi’y para makiugnay sa tinatawag na subconscious. Para higit na maging matalim ang talisik sa kaalaman na tagos hanggang himaymay ng laman.
May nalalabi pang 16. Pero maliligis ang 3-4 na oras sa biyahe tungo sa araw-araw na gawain.
Sandosenang oras na lang! Ilalaan ang walong oras sa daloy ng gawain.
May butal pang apat na oras. Sabihin nang ilaan ang dalawang oras sa mabotehang usapan. Gimik. Investment in social capital. Higit na malaki’t mataas raw ang kita at antas ng pamumuhay ng mga naglalaan ng ganoong puhunan.
Dalawang oras na lang ang mailalaan para sa asawa’t anak at iba pang mahal sa buhay. Bonding. Dalawang oras lang ba sa araw-araw ang maiuukol sa kanila?
Natuos kung paano naubos ang 24 oras, walang nalabi kahit kapirasong sandali. Nasayang ba o lumagong puhunan ang panahon?
Hindi na ako magtataka kung bakit nag-uukol ng mas maraming oras si Ama sa loob ng aming pamamahay tuwing umaga, kapiling si Mama, ang aming alagang mga aso’t pusa. Ninakaw na lang kasi ang panahon na magkapiling sila.
Inuumit na lang din ang panahon para makapanaliksik sa Internet, makapaglaro sa computer, manood ng matinong pelikula, makinig ng mga klasikong tugtugin, magbasa ng aklat, magsinop ng ilang pananim… makipagniig.
Kung iisipin, ninakaw na lang din ang mga sandaling iuukol para bulabugin niya ang Maykapal. Katiting na saglit na aalulong ng kanyang mga pagbati, pagpupugay at pasasalamat sa Lumikha sa mga araw-araw na himala na aming tinatamasa.
Katiting na saglit na lang din ang maitatapon upang mapanday ang talim ng hininga at sigla ng katawan sa qi gong o sining ng taimtim na paghinga.
Saan nga ba maghahagilap ng quality time kundi sa mga nakaw na sandali mula sa bulto ng 24 oras?
Kami-kami na lang sa bahay tuwing Linggo, araw ng pahinga sa karaniwang daloy ng pagiging abala. Ah, may 24 oras na mahuhugot sanlinggong 168 na umaapaw sa samut-saring pagkakaabalahan. May magugugol na 1,248 oras sa singkad ng santaon.
Edad 52 na si Ama, may 18 taon pa kung sakali na magugugol sa pamumuhay—936 Linggo lang o 22,464 na oras na nanakawin. Para iukol sa amin.
Nabubuhay daw ang human cell ng 120 taon under laboratory conditions.
Kahit na 120 taon pang singkad ang ipamumuhay, kailangan pa ring gagapin ang mga humuhulagpos na sandali.
Sabi nga: “Sunggaban ang araw, sunggaban ang oras!”

Comments