Skip to main content

Posts

Showing posts from October, 2004

Puke: puting keso

MALINAW ang inihayag na dahilan ng nakausap na kawani sa Dairy Training & Research Institute (DTRI) ng UP-Los BaƱos: kulang ang gatas mula sa kanilang bakahan kaya wala silang magawa’t maipagbiling puting keso.

Nakasanayan nating gamitin bilang sangkap sa samut-saring ensaladang gulay ang kesong puti. Ilang himay na ulo ng letsugas, ilang hiwa ng kamatis at pipino, pinong gayat ng luya’t lasona saka tipak-tipak na kesong puti—maringal nang katambal ng kahit tinapang Salinas. Sapak sa sinaing na tulingan o tambakol, kahit sa inihaw na hito o bulig. Kahit lang sa hawot o tunsoy na tuyo. Kahit pa sa roast lamb chops.

Madalas na simutin ng mga anak ang kesong puti. Masarap kasing palaman sa hot pandesal. Maituturing na kabilang kami sa mga masugid na tumangkilik ng kesong puti mula DTRI sapul nang P20 sambalot ang presyo nito. Mga P35 na ngayon. Wala pang mabili.

Nailuwas na hanggang Metro Manila ang kesong puti ng DTRI nitong ilang huling taon ng dekada 1980. Madali nang maapuhap sa…

Ramadhan

IT WAS flesh ramming into metal.

There’s no arguing when a lanky eight-year old slams himself into a four-by-four crawling at less than 20 kph around noon, first day of Ramadhan; he flies off a few feet from impact, gets bruises on his face plus a pock of a wound on his pate from that sudden smooch with a vehicle’s signal light (smashed), then, a spread of asphalt (intact).

Never mind the usual mob gathering at her heels, the lady driver stops, scoops up battered victim in a jiffy, heads to the nearest clinic for more than usual swabbing of betadine on bruises—say, X-ray and a cranial scan. Find out if the kid got more than scratches inside him. Turnout: the clinic’s lacks staff, facilities. Off rushed the offending four-by-four to get, shall we say, a second opinion?

A few hours later, the kid’s aggrieved kin finally caught up with the driver at a hospital—the kid’s X-ray and CT scan’s gone stale. Surface scratches, yes. No fracture, not a dot of blood clot. No internal harm done as …

Lagda ng salaula

NAGLISAW na lagda ng salaula: samut-saring kalat sa bawat sulok at panig ng Picnic Grove, Tagaytay City.

Ilang saglit ding nakapulong ang isa sa mga tauhan ng naturang looban (tahasang salin ng “grove”). Hindi pa rin siya napuknat sa pagwawalis ng mga ikinalat ng samut-saring salaula na dumalaw sa lugar.

Kailangan kasing palisin ang mga lantad na patalastas sa lupa. Plastik. Bote. Tuhugan ng barbecue. Basyong pakete ng sigarilyo’t sitserya. Upos. Pira-pirasong papel. Pagkaing panis.

Bawat isa’y nagsusumigaw sa latag ng lupain. Bawat piraso’y tatawag ng pansin. Magpapahayag: “Hoy, mga hindot! Pumasyal kami dito’t heto ang iniwan naming bakas. Masdan at sumuka kayo!”

Hindi pa man naiimis ang iniwang kalat ng mga nakaalis, dadagsa ang panibagong kawan ng mga namamasyal. Muli: mag-iiwan ng panibagong dungis at dusing sa mukha ng lupain.

Kaya hindi makaugaga sa walang latoy pero walang patid na daloy ng pagwawalis.

Sinabihan ko ang nagwawalis na kung panay ganoon ang takbo ng gawain niya, …

Matapos ang unos

BARAKONG KAPE na may kanaw na gatas ang agos ng apaw na ilog, may hilang butil ng banlik, samut-saring halimuyak, layak. Pati mga isda't hipong natulingag. Minsan, may tangay ding ahas, bayawak, manok, kambing, biik. Kung anu-anong nahagip sa halihaw ng hangin at ulan.

Masarap ang adobong ahas sa kakang gata. Malinamnam ang laman ng bayawak na tinuyo sa alagaw, bawang at tanglad. Banayad na humahagod sa puso ang kikislap sa isip na mga lutuin—the way to a man's heart is through his stomach. Cogito ergo dimsum... Oo, 'haplos sa puso' ang katuturan ng dim sum.

Buhos-baha ng biyaya ang maaaring masipat sa ganitong haplit-haplos ng panahon — alinman sa 20 unos na nakatakdang rumagasa sa bansa bawat taon upang magdilig o mangwasak ng pananim, magtipon ng tubig sa mga imbakang dam. Sa saganang tubig, mababaha tayo; sa katiting na tubig, mababaho tayo.

Nakatukod ang pagtindig, pilit binubuwag sa suwag ng agos sa gilid ng ilog, paulit-ulit na isusulsol sa ilalim ang pinagkrus …

Wanna write? Get a load of focus

WRITING is focused thinking.

So if you want to write in earnest, stop watching television. TV makes you lose precious focus. And it nudges most folks into hare-brained thinking—they get to soak up all that trash purveyed by the idiot box, from lousy turns of phrase, carabao English plus kalabaw Filipino, feigned affectations off talk shows to trivia passed off as news.

Two-dimensional sight won’t engender insight.

Afternoon at a vacant lot run over by weeds across our abode in Ciudad Real (that's in San Jose del Monte City, Bulacan, about a four-hour commute northeast of Manila), we bumped into a gaggle of children keen on catching dragonflies—pretty live playthings. Catching such wee critters can be a field test of patience. And pinpoint focus.

Say, a dragonfly's an airborne predator gifted with zillions of eyes entirely filling up its head to keep keen watch for prey on the wing. Too, a dragonfly is equipped with two pairs of wings—lightweight and lacy, yet, suffused with bl…