Skip to main content

Posts

Showing posts from 2019

MANANANGGAL

Hatinggabi-- katipan ang katagpo niya sa sagingan. Nauna siya sa tagpuan at habang pinapapak ng lamok, nasulyapan niya ang katakam-takam na tambok ng tumbong.. Na wala nang pang-itaas na katawan, wala ring womanhole cover  nang angatin niya ang bestida nito. Inapuntahan ng utog, agad na naghubad ng pantalon, igkas ang singkapan na agad isinalpak sa nakabuyangyang na pinagnanasaan. Hindi lang tatlong ulit pinutukan ang matris niyon. Paulit-ulit... Madaling araw na nang dumating ang itaas na katawan. Natagpuan ang ibabang bahagi ng kanyang katawan, nanlalagkit sa ipinutok na kung ano dito... Hagulgol ang manananggal: "Ginahasa ako!"

Panata sa kalayaan: Piging

Nagnanaknak nang sugat ang Aklat ng Magandang Balita, nakadambana sa limahid sa libag, inaamag na hapag-- tigmak sa tuyong luha ng mga tulos ng itim na kandila-- na nakapagitna sa umpukan ng 13 Hukluban, bawat isa'y waring agaw-buhay sa 40 araw-gabi ng sama-samang ayuno. Nakanganga't nagsusumigaw ang naninilaw nang dahon ng Kasulatan sa kakatwang talata mula kay San Lucas: 'Sinabi ng Diyablo, "Ibibigay ko sa iyo ang lahat ng kapangyarihan at kadakilaan ng mga ito. Ipinagkaloob ang lahat ng ito sa akin,  at maaari kong ibigay kung kanino ko gusto.'" Sunod-sunod na alon ng tinig ng 13 mala-kalansay nang anyo ang  kakaibang kahilingan: " Devorabis omnes, fiat! Devorabis omnes,  fiat!  Devorabis omnes, fiat!" Sa kanluran, hintakot na nagsusumiksik ang araw niyong ika-apat na Lunes ng Hulyo: humahagupit ang alikabok at alinsangan sa lansangang nakakiwal na ahas sa gilid ng Gusaling Batasan-- na binakuran na ng mga unipormadong pulis, pin