Skip to main content

Posts

Showing posts from December, 2005

Komadrona

MARAMING marikit na ala-ala na bumabalik kay Alice de la Jente, 65, batikang komadrona. Tag-araw noon, latigo na humahagupit sa katawan ang init. Mabigat na ang pakiramdam ni Alice. Kahanay siya sa kapwa pasahero. Siksikan. Siksik pati bagahe’t dala-dalahan. Mahaba ang pila. Matagal umusad. Paakyat pa lang sila sa barko, palakbay-Maynila. Inip, inis, at init na init na siya. Nagulat siya nang may humawak sa kanyang kamay—lalaki, mga edad-40, masuyo ang paghawak. Ni hindi nakaiwas ang komadrona nang halikan siya nito sa pisngi. “Ninang,” anito na nakangiti, “ako si Banhao.” Banhao! Patay na nabuhay! Bangkay na Lazarus na napukaw, bumangon mula hukay sa panawagan ng buhay. Gumuhit ang gunita sa utak ni de la Jente—ito nga ba si Banhao? Ang sanggol na si Banhao na inagaw niya sa kalawit ng kamatayan? Noon pa ‘yon at napakarami nang sanggol na iniluwal niya. Mula sinapupunan ng kani-kanilang ina, sinapo niya. Dumaan sa kanyang mga kamay. Komadrona siya. Batikan. Malakas ang loob. Hind

Singkamas

MAYAMAN pala sa tinatawag na phytochemicals o sangkap na panlaban sa samut-saring sakit ang singkamas—na sa alias nito sa Latin ay talagang kahindik-hindik na ang dating, Pachyrhizus erosus . Tunog erotikong suso sa dulo. Jicama ang pangalan nito sa pinagmulang lupalop. Mula pa Mexico, nakarating sa ating pampangin nitong kasagsagan ng kalakalang Manila-Acapulco. Jicama. Sumablay ang bigkas dahil kasintunog ng “higa kama.” Nabalbal. Naging singkamas sa ating wika. Pampigil sa salakay ng kanser, pampababa ng antas ng masamang cholesterol sa dugo, likas din na antibiotic o pamuksa ng mikrobyo sa katawan. Pampalakas sa likas na panlaban ng katawan kontra sakit. Anti-oxidant o pampahupa sa pagiging amoy-lupa. Karaniwan ding gamit na sangkap sa siomai at lumpia. Hubad na lumpia! Opo, hindi hubo’t hubad ang tawag sa naturang lutuin. Hubad lang. Masarap kung may kalahok pang budbod na mani. Kaya nakagawian nang talupan ng mga hayok. Ilalantad ang kinis-labanos na laman na pi

Inn and out

NALINGUNAN ko pa ang lalaki. Malagihay na ang lakad. Nakalingkis-lamutak sa baywang ng kasamang dalawang pokpok—tiyak na kinahoy saanmang singit o kili-kili ng Avenida Rizal, papalo mula P200 hangggang P300 samputok. Baka pinakyaw ang dalawa, nagkasundo sa P500 sabayan. Sa konting halaga’y ubrang maglublob sa laman. Kaya sa bulsa. Sa bulsa. Sa naturang bahay parausan na kahanay ng Avenida, kalye Trinidad, doon din ako nagpalipas ng magdamag. Palipas-pagod lang. Tagilid ang laman ng bulsa— P180 ang bayad sa 8 oras na pagtuloy sa paupahang silid. Kapos ang laman ng bulsa para umupa ng paupahang laman. Saka na ang paglulunoy ni manoy saanmang kanal. Katreng may sapin na kahit limahid na kumot—ganoon lang ang pakay. Basta mailatag lang ang likod sa katre. Ganoon ang hinihinging limos ng katawan. Pagbibigyan. Kahit tulog-manok lang sa magdamag. Panakaw ang pag-idlip. Iglap na magigising kahit sa mahinang kaluskos. Mahirap nang mabulaga. Maunahan. Lodge o inn ang karaniwang nakasupalpal na

Noche buena mano | Inciting to seduction

Noche buena mano THE manufacturing sector of the nation’s economy is looking glum. Consumers aren’t on a buying binge. Stocks begin to gather dust and hardly stir. And this Christmas is about to turn a bit more of famine than feast. Rather than sulk at dire prospects of an unkempt, unkept Christmas for most Filipinos gnashing their teeth— dentures and gums, too – at a more probable coup coming to pass than a cheerful Pasko , rosy-eyed polyannas are a-busy to keep the season’s spirits alive. And kicking. And cooking up whatever’s for picking should bring joy to this glum part of the world. Look at the goodies that we can gladly sink our teeth into. Call ‘em yummies. Call ‘em whammies. This eight-curse, oops, we meant eight-course feast of sorts ought to make Christmas tables groan, liven up the traditional noche buena. Dig in. Enjoy. Weep. • Daing ng bayan – something kippered, sun-dried and ought to last for a long, long while, this di