Skip to main content

Singkamas

MAYAMAN pala sa tinatawag na phytochemicals o sangkap na panlaban sa samut-saring sakit ang singkamas—na sa alias nito sa Latin ay talagang kahindik-hindik na ang dating, Pachyrhizus erosus. Tunog erotikong suso sa dulo.

Jicama ang pangalan nito sa pinagmulang lupalop. Mula pa Mexico, nakarating sa ating pampangin nitong kasagsagan ng kalakalang Manila-Acapulco. Jicama. Sumablay ang bigkas dahil kasintunog ng “higa kama.” Nabalbal. Naging singkamas sa ating wika.

Pampigil sa salakay ng kanser, pampababa ng antas ng masamang cholesterol sa dugo, likas din na antibiotic o pamuksa ng mikrobyo sa katawan. Pampalakas sa likas na panlaban ng katawan kontra sakit. Anti-oxidant o pampahupa sa pagiging amoy-lupa. Karaniwan ding gamit na sangkap sa siomai at lumpia.

Hubad na lumpia! Opo, hindi hubo’t hubad ang tawag sa naturang lutuin. Hubad lang. Masarap kung may kalahok pang budbod na mani.

Kaya nakagawian nang talupan ng mga hayok. Ilalantad ang kinis-labanos na laman na pinipithaya (kahulugan kaya’y pinipitpit habang nakatihaya?). Titipak-tipakin, huwag ipagdiinan ang dalawang unang pantig. Saka isasawsaw sa asin at suka—nilalantakan ang singkamas nang sariwang sariwa.

Ang totoo nito’y naparami ang ibinunga ng tanim kong singkamas. Tatlong pitak lang. Pero talagang tumabal. Lumago. Higit sa 15 talampakan ang inihaba ng baging. Gumapang sa pader, umakyat sa kung saan-saan. Muntik saklawin ang balkonahe namin. Bughaw na langit ang kulay ng bulaklak—malamig sa mata. Nagbigay-daan sa mga bungkos ng luntiang bunga ang mga bulaklak.

Paminsan-minsan lang kung makapagluto ng pinakbet o dinengdeng-- naisasangkap dito ang murang bunga ng singkamas na manamis-namis ang hagod ng lasa sa dila. Panalo rin ang lasa ng murang bunga ng singkamas sa bulalo at sinigang.

Pero talagang hindi natapatan ng aming konsumo ang masipag na pamumunga ng gulay na karaniwang laman-ugat ang napapagbalingan, nakakahumalingan. Overproduction. Nagkaroon ng surplus. Nagsigulang ang mga labis na bunga. Unti-unting natuyo nitong pangalawang linggo ng Disyembre.

Marami akong naging binhi ng singkamas. Wala akong balak na katasin ang likas na insecticide mula sa mga buto na mabisa kontra leaf hopper. Higit sa sapat ang naiwang binhi kaysa maitatanim sa kapirasong halamanan. Ni hindi na nga hinukay ang tatlong pitak— may panibagong sibol na nakatakda sa pagsapit ng nilalagnat na Abril. Luntiang kombulsiyon mula sa dibdib ng lupa.

Teka, hindi pala nabanggit ng katotong Manny Martinez ang isang kakatwang pagsasanay ng mga kabig ni Adolph Hitler sa kanyang pagtalakay sa Spear of Destiny ni Ravenscroft. Hinihigop nila sa kung anong paraan ang anumang lakas o kapangyarihang likas mula sa mga buto ng halaman.

Hindi pa natin nabubungkal ang ganoong lihim. Kaya kung sinu-sino na ang nabigyan ng mga buto ng singkamas para itanim naman nila sa kanilang bakuran. O saanmang matatamnan.

Marami pa rin akong natirang binhi ng singkamas. Tuloy ang pamimigay ng mga naturang binhi. Nakapagdala ng sambalot sa Quezon ang kaopisinang si Nolan Abelilla. Nabigyan ng sandosenang tuyong bunga si Ria Manaois para may maitanim sa kanilang bakuran. Pati si Roman Floresca'y nagpasabing dadaanan niya sa akin ang mga binhi ng singkamas.

Kailangang makumbinse ang iba pa. Kahit itong Enero'y ubra nang simulan ang pagtatanim ng singkamas.

Maiisip pa rin na talagang aanihin anuman ang itanim. Hindi lang sambutil na palay ang gagapasin mula sa tumubong sambutil. Hindi lang sampirasong laman-lupa ang makukuha mula sa sambutong singkamas. Pati hitik na pamumulaklak. Pati pamumungang higit sa santambak.

Sabi nga sa English, whatever ye sow, you will reap more than a thousandfold.

Parang karma.

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Cal y canto con camote

FENG shui (literally, wind water flow) lore has it root crops embody a hidden store of treasures. Say, a local food conglomerate needs yearly 35,000 metric tons of cassava for livestock feed-- the available local supply falls short of 13,000 tons. Cassava granules sell for around P9 a kilo. Demand for the same root crop to be used in liquor manufacturing is hitting above the roof. Why, raising cassava is a no-brainer task— this is one tough crop that can grow in the most hostile patches of earth, providing sustenance for ages to dwellers in sub-Saharan parts of Africa. While the hardy cassava is nearly pure starch, the lowly sweet potato or kamote is considered by nutritionists as a super food, the most nutritious of all vegetables— kamote levels of Vitamin A are “off the charts, rich in antioxidants and anti-inflammatory properties.” A fist-sized kamote can supply a day’s dose of glucose to fuel the brain, muscles, and organs, so they claim. Count the country lucky...

Wealth garden

‘TWAS CRUEL as smashing a budding green thumb: some years back, an abuela warned me about letting any clump of katigbi (Job’s tears or Coix lachrymal jobi for you botanists) from growing in our homeyard. That grass with rapier-like leaves that smelled of freshly pounded pinipig supposedly invited bad luck and sorrows—why, that biblical character Job wailed and howled a lot, didn’t he? (But was later rewarded with oodles of goodies, wasn’t he?) Then, I came across some arcane text that practically goaded folks to grow katigbi in their gardens—why, there’s a starchy kernel wrapped shut in the seed’s shiny coat. A handful or more of kernels could be cooked as porridge. Too, one could whisper a wish upon seven seed pods, throw ‘em pods in running water—a river or stream—and the wish would be granted! I was warned, too, about planting kapok or talisay trees right in the homeyard—these trees form a cross-like branching pattern. Pasang-krus daw ang bahay na kalapit sa puno ng kapok, tal...