Skip to main content

Hardin at basura

ni Abraham Arjuna G. de los Reyes







May hardin kami sa loob ng bakuran. Meron din sa labas sa bakanteng lote na tapat ng tindahan na konti lang ang layo. Yung hardin namin sa loob ay malago at kumpulan ang mga halaman. Wala na kaming matataniman sa loob. Laging basa ang mga halaman dahil lagi sa amin umuulan. Kapag walang ulan, dinidilig. Sa kinatatayuan ng mga halaman ay mga pasong basag. Mabato ang daanan sa hardin. May mga kalat na shell ng oysters. Dito gumagala ang mga alaga naming pagong, manok, aso, palaka saka mga gagamba.







Sa hardin namin sa labas na tapat ng isang tindahan ay malupa. Tabi ng hugis bundok na tambakan ng basura na mabaho at malansa ang amoy. Mataas ang lupa kaya ginawa namin na lang na parang terraces na tawag sa Tagalog ay “payaw”.







Ang pagpapayaw ay madaling gawin. Kumukuha kami ng asarol o “mattock” sa English. Ito ay isang metal na walang matulis na talim sa dulo at ito ay nakasuksok sa dulo ng hawakan. Ginagamit ito sa pagtatanggal ng mga malalaking bato at maliliit na bato para tumubo nang mabuti ang halaman at hindi malanta.







Inaasarol namin ang lupa at nakakabuo ng isang “plot”. Ang plot ay pinagkumpol na lupa at bubuo ng maliit na burol. Pag pababa ay ginagawa namin itong pagpapayaw ng lupa o paghahagdan.







Pinapayaw ang pababang lupa para mataniman.. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng kahoy at bato. Pagkatapos gumawa ng plot ay kumukuha kami ng dahon sa bahay at ilalagay sa lupa. Kumukuha kami ng kahoy at pinuputol sa dalawang dangkal na haba. Tinutuhog namin sa linya ng lupa yung mga kahoy at kumukuha kami ng mga malalaking bato. Isinasara sa mga butas na nagawa ng kahoy na parang rehas. Pagkatapos ay nilalagyan ng lupa at puwede nang taniman ng ibat-ibang mga halaman at gulay.







Ang itinatanim namin ay nasisira dahil katabi nito ang isang tambakan ng basura. Nag-iimbita ng mga langaw, uod at lamok ang basurahan. Ang mga walang isip na tao sa amin ay tambak lang nang tambak ng basura. Gusto pa nilang mag-imbita ng mga lamok at langaw, eh yun na nga ang nagpapasakit sa kanila. Pero gusto pa rin nila.







Kami ni Papa ay nagtatanim ng halaman para luminis ang hangin. Kami ay nag-iimbita ng mga paru-paro, tutubi, mandarangkal, tipaklong, putakti, sitsiritsit at mga bubuyog na magaganda ang kulay. Sabi ni Papa, kapag may pinag-aralan gagawa nang mahusay. Gumagawa kami ng hardin sa payaw. Kung ano raw ang ginawa, ganoon ang katauhan ng gumawa. Gumawa ang mga walang pinag-aralan ng bundok ng basura. Nakakadiri ang ginagawa nila. Nakakadiri din sila.







Marami kaming tanim. Kamote, patani, at ube. Hindi pa nagbubunga ang mga patani. Ninakaw ang mga ube na gagawin naming halaya sa Pasko. Maraming kumukuha ng talbos ng kamote. Limang piso ang isang tali ng talbos ng kamote sa palengke. Nakukuha sa hardin na walang bayad. Mas maraming nagnanakaw. May isa dalawang humihingi. Para naman sa ulalo ang laman ng kamote. Nagiging salagubang ang ulalo. Naluluto din ang salagubang pero ginagawa kong laruan.







May iba pang tanim na papaya at sili para sa tinolang manok. Wala pang bunga ang mga papaya. May bunga na ang mga sili na laging tinatalbusan. Ninanakaw din. Gusto ni Papa ng bagoong at sili. May munggo, pako, ampalaya, alugbati, bataw, kulitis at saluyot. Ihinahalo ang alugbati at kulitis sa pagkain ng mga aso namin. Mayroon ding mga herbs na pampalasa sa pagkain. Tanglad, mint, peppermint, pandan na inilalagay sa sinaing, at basil.







Nanghihingi si Mrs. Sylvia Quirino kay Mama ng binhi at talbos ng basil. Pampasarap at pabango sa sarsa ng roast beef, isda at spaghetti ang basil. Ginagamit namin ang basil sa dinuguan, eskabetse at adobo. Gamot sa sakit ng ngipin at tiyan ang basil. Ginagawang tsaa ang peppermint. Pampalamig sa pakiramdam at gamot sa sakit ng ulo. Isinasama din ito sa instant mami at pansit para sumarap at bumango. Walang nagnanakaw sa peppermint at basil. Hindi kilala ang mga halamang ito. Hiningi namin sa taniman ng mga Vietcong ang binhi ng peppermint.







Alam ko, gumagawa kami ng kagandahan at pagkain sa paligid. ‘Yon ang gusto namin, ginagawa namin. Ang ibig ng iba ay bundok ng basura. Ginagawa nila.







Makikita naman ang gusto ng tao sa ginagawa. Gusto namin ng hardin. Umapaw na ang hardin namin sa loob. Inilabas namin. Gusto nila ng basura. Apaw ang basura nila sa loob. Inilabas nila. Naging bundok ng basura.







Nakakain ang ginawa namin. Sana kainin nila ang ginawa nila.















When he wrote this Abraham Arjuna G. de los Reyes was 13 years old and an incoming high school freshman at Mater Carmeli School in Novaliches, Quezon City.

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Cal y canto con camote

FENG shui (literally, wind water flow) lore has it root crops embody a hidden store of treasures. Say, a local food conglomerate needs yearly 35,000 metric tons of cassava for livestock feed-- the available local supply falls short of 13,000 tons. Cassava granules sell for around P9 a kilo. Demand for the same root crop to be used in liquor manufacturing is hitting above the roof. Why, raising cassava is a no-brainer task— this is one tough crop that can grow in the most hostile patches of earth, providing sustenance for ages to dwellers in sub-Saharan parts of Africa. While the hardy cassava is nearly pure starch, the lowly sweet potato or kamote is considered by nutritionists as a super food, the most nutritious of all vegetables— kamote levels of Vitamin A are “off the charts, rich in antioxidants and anti-inflammatory properties.” A fist-sized kamote can supply a day’s dose of glucose to fuel the brain, muscles, and organs, so they claim. Count the country lucky...

Wealth garden

‘TWAS CRUEL as smashing a budding green thumb: some years back, an abuela warned me about letting any clump of katigbi (Job’s tears or Coix lachrymal jobi for you botanists) from growing in our homeyard. That grass with rapier-like leaves that smelled of freshly pounded pinipig supposedly invited bad luck and sorrows—why, that biblical character Job wailed and howled a lot, didn’t he? (But was later rewarded with oodles of goodies, wasn’t he?) Then, I came across some arcane text that practically goaded folks to grow katigbi in their gardens—why, there’s a starchy kernel wrapped shut in the seed’s shiny coat. A handful or more of kernels could be cooked as porridge. Too, one could whisper a wish upon seven seed pods, throw ‘em pods in running water—a river or stream—and the wish would be granted! I was warned, too, about planting kapok or talisay trees right in the homeyard—these trees form a cross-like branching pattern. Pasang-krus daw ang bahay na kalapit sa puno ng kapok, tal...