SINIMULAN ng mga prayleng Dominikano ang latag ng patubig sa kanilang mga palayan sa Laguna pagpihit ng ika-18 siglo. Sa yugtong ito ng kasaysayan, hindi umaabot sa 4,000 ang bilang ng mga EspaƱol sa bansa; mahigit 4,000,000 ang populasyong indios cobardes.
Sa panahong iyon, katulong ang mga indio sa paghakot sa mga Sangley o sinaunang Chinoy sa Intramuros para matamnan ng dalawang ulit santaon ang mga palayang Dominikano sa Laguna at ilang bahagi ng Bulakan. Kayod-kalabaw ang mga hinakot sa pagbubukid. Walang bayad.
Maraming pumalag na sinaunang Chinoy. Binanatan ng Mauser 5.56. Humalo sa patubig ang dugong Sangley. Naging pataba sa bukirin ang mga bangkay. Sagana ang bawat ani ng palay.
Ipihit ang panahon. Bago humapay sa pagpasok ng ika-21 siglo, nasa Top 400 Corporations of the Philippines ang National Food Authority (NFA), ang bisig ng pamahalaan sa pamimili, pag-iimbak at pamamahagi ng pangunahing aning butil. Limpak na milyong piso ang kita taun-taon. Kahit sa bawat 10 sako ng aning palay sa mga bukirin, tatlong sako lang ang sasalin sa NFA -- na todo rin sa tubo mula sa katiting na operasyon.
Walang aamin na ang pinakamalaking bulto ng ani, kakabigin ng mga inapo niyong mga Sangley na tahasang nagbuhos ng dugo, pawis; nag-iwan ng kanilang buto’t laman sa mga palayan noong ika-18 siglo.
Inaani na ng kanilang inapo ang patubo sa matagalang puhunan. Long-term investment in karma. Karmwa-ha-ha-haw!
Nitong magkasunod na dekada 1960-1970 naging talamak ang pagpuslit ng mga sabalo (pangitluging inahin ng bangus o Chanos chanos) at binhi ng bangus mula Pilipinas tungo naman sa Formosa.
Pagpalo ng dekada 1980, kasama na ang pritong bangus sa sining-kusina ng, oops, hindi na Formosa ang tawag. Naging Taiwan. Napulido na rin nila ang mga proyektong pangitlugan ng bangus sa pagdaan ng panahon. At nagsimula nang magtustos ang Taiwan ng mga mahusay na binhi ng bangus sa mga proyektong pangisdaan sa Asia, pati sa Pilipinas.
Naisahan tayo. Pero mga Penoy din naman ang nagbenta ng mga inahing sabalo’t binhing bangus sa mga kabig ng Kuomintang ni Chiang Kai Shek.

Comments