PINAKAMURA sa Pasay ang palipas ng dosenang oras sa silid ng mumurahing motel - P169 lang. Katakam-takam sana.
Kaya lang, muli't muling mauulit ang Posadas - ang pakla't panglaw sa panunuluyan ng kagampang Maria't Jose. Walang motel sa Pasay na tatanggap sa kanila para manatili ng 12 oras. Sa tatlong oras nakametro bawat silid ngayon. Mahihiwatigan: sa palipas-libog lang laan ang mga silid-motel.
Masusubukan nilang tumuloy sa Sogo o Wise Hotel sa Cubao, Quezon City. Ganoon pa rin ang umiiral na kalakaran. Mabubungaran ang naghihintay na mga kawan ng parehang magpapalipas-libog. Matiyagang naka-antabay sa mababakanteng silid.
Karaniwang naipagpag ang utog sa dalawang oras. Maihahanda agad ang silid sa bunong-kama ng panibagong pareha. Walang patid ang labas-masok na daloy ng mga parokyanong pares-pares kapag kumagat ang dilim.
Ganoon pa rin ang kalakaran sa pansamantalang pahingahan sa libis ng Pasig, sa mga utong ng Sta. Cruz o Binondo, kahit sa tumbong ng Grace Park. Nakametro sa tatlong oras ang bawat pansamantalang pahingahan.
Sumasagitsit saanmang singit ng lunsod ang kuryente ng utog. Taglibog ang umiiral na panahon.
May maaalala tayo. Sa mga mumurahing kapihan at piping aklatan bumuno noon sa palipas-gutom at lakbay-diwa ang isang J. K. Rowling. Kabuno din ang kanyang binubuong seryeng "Harry Potter." Nailuwal ang serye. Naghatid iyon ng billion dollars sa may-akda.
Mababanggit rin ang karanasan sa puso ng Amerika ng kababayang manunulat, si Carlos Bulosan. Palapit noon ang bisperas ng World War II. Kaigtingan ng Depression Period - sadsad sa kumunoy ang ekonomiyang US, laganap ang sakmal ng hikahos at kawalang pag-asa.
Mangungutang si Bulosan ng kung ilang daang dollars sa mga kasamahan sa trabaho. Pambayad niya ang inutang. Ilang linggong magkukulong sa mumurahing hotel. Susulat ng kung ilang artikulo't iaambag iyon sa ilang magazines - nakapuntirya sa may patakarang bayad agad kapag tinanggap ang sinulat, payment upon acceptance for publication.
Mababayaran ni Bulosan ang inutang. Mabibigyan ng konting salu-salo ang mga inutangan. At may ilang linggo o buwan ding mamamayagpag. Mangungutang muli kapag said na ang kinita sa kanyang pagsusulat. Muling magkukulong sa mumurahing hotel. Muling magsusulat.
Huwag nang ungkatin ang halagang katumbas ng bawat sinulat ni Bulosan. Higit na mahalaga na pansinin ang matingkad na pangangailangan. May dahilan ng kanyang pansamantalang pagkukulong - kailangan niya ng mahalagang sangkap para makabuo't makipagbuno sa ideya, makapaghalukay ng panustos sa hinuhubog na ideya. Ang sangkap: privacy.
Ulitin natin ang katuturan ng deprivation o sagad-butong paghihikahos. Tahasang katumbas ng deprivation: tanggalan ng privacy.
Nagalugad at natikman na nating manirahan sa iba't ibang panig ng Metro Manila. Napalublob tayo nang matagal ding panahon sa sagad-lupang pananaliksik. Hindi umiiral sa subculture ng mga maralita ang katuturan ni kabuluhan ng privacy. It doesn't even exist in the local tongue. Kaya hindi maisasalin sa kaisipan. Hindi mauunawa. Hindi mapapanghawakan. Kaya hindi kabilang ang privacy sa kalagayang pinaiiral o sa katotohanang tinatanggap sa subsob-kumunoy na pamumuhay. They'd begrudge any attempt to pull 'em out of the squalor, misery and deprivation... There's mindless existence there. They don't mind.
Nakalaan sa palipas-libog ang ilang oras ng privacy. Privacy na ipinagbibili ng mga pansamantalang matutuluyan sa mga gilagid, sa mga pagitan ng pangil at kuko ng lunsod.
Nakametro sa tatlong oras ang pansamantalang privacy. Sa ating lunan at panahon, talagang sa sabsaban ng mga kakataying kambing sa EDSA makakapanuluyan ang kagampang Maria't asawang si Jose.

Comments