Skip to main content

CPA-- camote pala ako

Naglalaro sa P10-12 sangkilo ang presyo ng kamote ngayon. Magaang na sa bulsa, mahilab pa sa sikmura. Masustansiya kasi.

Minsang tanim-kamote ang inasikaso natin. Nangamote sa kapirasong bahagi ng Kilometro 30 ng lansangang Cabrera, sa lunsod ng Antipolo.Sa ika-30 linya ang hangganan ng maisusulat sa legal size paper. Trenta rin ang pananda ng peryodista. Pangwakas sa niratsa o sinalsal na ulat.

Matindi ang kabuluhan ng kamote o Ipomoea batatas. Kaanak ito ng kangkong at aurora o morning glory. Pangunahing sangkap ito sa paglikha ng manika (poppet) sa pangkukulam. Mas masarap na pang-ulam - lalo na't may katambal na halobaybay, bagoong Balayan o Pangasinan, pinigaan ng dayap at siling labuyo.

Huwag nang pagtalunan: natukoy na ng mga food scientists na mas mayaman sa sustansiya ang talbos-kamote kaysa repolyo, broccoli't mga kamag-anak nilang gulay. Kaya nga nakagiliwan naming comfort food ang talbos-kamote-- 'yung bagong pitas sa sariling bakuran. Para may hibo ng tamis ang lasa,lalo na ngayong nagsimula na ang mga araw na buhos ang unos. May halina sa hapag-kainan ang nilagang talbos-kamote't nakagawiang sawsawan, saka umuusok na kanin (kahit IR-64 o dinorado, lalantakan).

Andap lantakan ang kamote dahil daw sa kakatwang bisa nito sa paglikha ng hangin-- na hindi kanais-nais kapag ibinuga. Matindi kasi ang kargadang carbon at nitrogen compounds ng kamote.

Ubrang subukan ang putaheng Camote Pudding ng mga ginang o dalaginding na mahilig dumiskarte sa kusina:

Painitin ang hurno (oven) sa 350 degrees.

Batihin hanggang tila cotton candy ang anyo ng 2 puti ng itlog. Itabi muna.

Paghaluin at batihin ang:
2 tasang niligis na nilagang kamote
1 tasang asukal
1/2 tasang tunaw na butter
6 na pula ng itlog, binati
1 1/2 kutsaritang ginadgad na balat ng dayap
1 tasang orange juice

Kapag lubusan nang magkahalo't batido na ang mga sangkap, unti-unting ilukob (fold in) sa binating puti ng 2 itlog; Isalin sa baking dish. Budburan ng 1/4 kutsaritang nutmeg o 2 kutsarang rum ang ibabaw. Isalang sa hurno ng may 1 oras o hanggang maluto.

Kung sadsad man ang pagtatangka sa kusina, mas mainam na sumadsad sa kamotehan. Kaysa pulutin sa kangkungan. Kasi, hindi nalalayo ang kamotehan sa sariling tahanan. Mahihiwatigan ito sa matagal nang payo sa nangangamoteng estudyante, "Go home and plant camote!"

Pinsang buo ng kamote ang namumulaklak na halamang baging, matingkad na rosas ang bulaklak, nakagapang sa mga baybay-dagat, ang Ipomoea pescaprae o beach morning glory. Kunat-katad 'to kaya walang sumusubok na lantakan. Ganito rin ang tibay at tatag ng kamote. Basta't naisuksok o kahit lumapat lang sa lupa: uugat, yayabong, bubulaklak kahit sa mabangis, pinakadahop na lupalop.

Mas masustansiya kaysa kanin ang lamang-ugat na kamote-- ang totoo'y mainam na pagkain ito ng body builders. Pampadagdag sa pauumbuking kalamnan. Katunayan: mas mahusay na pampataba ng baboy o manok ang kamote kaysa mais.

Ang totoo'y kamote ang punlang pananim sa kung ilang unmanned space flights na inilunsad ng US sa kalawakan. Tumubo pa rin. Pinagtibay ang isang kasabihang Latin. Per aspera ad astra. Kahit gapang, mararating ang mga bituin.

Naungkat ang bituin. Mababanggit na rin: itinitibok at naihahasik ng kamote ang kapangyarihan ng Mercury, Venus at Saturn, ayon sa "Doctrine of Signatures" ni folklorist-mathematician Teophrastus Paracelsus. Saklaw ng kamote ang pakikipagtalastasan, talino't talisik, pag-ibig, pagpapanumbalik sa katiwasayan. Saklaw pati malalim na pag-ugat ng kaalaman. Pati karma.

Pinagsabihan minsan ang naging katulong. Inaalis kasi ang mga dunggot sa talbos ng kamote na sahog sa sinigang na kandule. Nilinaw na todo-yaman sa phosphorous ang dulo ng talbos-kamote.

Isipin: Kapag umabot sa kritikal na antas ang konsumo ng phosphorous, maaasam na magliwanag ang neurons sa utak. Enlightenment! Lamang sa liwanag kaysa ihaw-init ng ulunan, mwa-ha-ha-haw!

Marami na ring tudling ng kamote ang nailatag natin sa bahaging iyon ng Kilometro 30. Nag-uusbungan na. Tiyak na may pupupol ng magiging talbos. Tiyak na may bubungkal sa ilalaman ng ugat. Tiyak na may ilang mapapangitlugan ang maliligaw na salagubang; magkakaulalo. May dagdag na salagubang para sa mga paslit. Tiyak na may makikinabang.

Sa huling tuusan o kahit final auditing, may lilitaw na CPA - camote pala ako.


Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Cal y canto con camote

FENG shui (literally, wind water flow) lore has it root crops embody a hidden store of treasures. Say, a local food conglomerate needs yearly 35,000 metric tons of cassava for livestock feed-- the available local supply falls short of 13,000 tons. Cassava granules sell for around P9 a kilo. Demand for the same root crop to be used in liquor manufacturing is hitting above the roof. Why, raising cassava is a no-brainer task— this is one tough crop that can grow in the most hostile patches of earth, providing sustenance for ages to dwellers in sub-Saharan parts of Africa. While the hardy cassava is nearly pure starch, the lowly sweet potato or kamote is considered by nutritionists as a super food, the most nutritious of all vegetables— kamote levels of Vitamin A are “off the charts, rich in antioxidants and anti-inflammatory properties.” A fist-sized kamote can supply a day’s dose of glucose to fuel the brain, muscles, and organs, so they claim. Count the country lucky...

Wealth garden

‘TWAS CRUEL as smashing a budding green thumb: some years back, an abuela warned me about letting any clump of katigbi (Job’s tears or Coix lachrymal jobi for you botanists) from growing in our homeyard. That grass with rapier-like leaves that smelled of freshly pounded pinipig supposedly invited bad luck and sorrows—why, that biblical character Job wailed and howled a lot, didn’t he? (But was later rewarded with oodles of goodies, wasn’t he?) Then, I came across some arcane text that practically goaded folks to grow katigbi in their gardens—why, there’s a starchy kernel wrapped shut in the seed’s shiny coat. A handful or more of kernels could be cooked as porridge. Too, one could whisper a wish upon seven seed pods, throw ‘em pods in running water—a river or stream—and the wish would be granted! I was warned, too, about planting kapok or talisay trees right in the homeyard—these trees form a cross-like branching pattern. Pasang-krus daw ang bahay na kalapit sa puno ng kapok, tal...