Skip to main content

Dagdag na halaga

MANGKOKOLUM

Nakasumpong minsan ng palos o sea eel sa Farmer’s Market, Cubao. Wala nang baratan. Kagyat na binayaran. Buhat sa puwesto ng mga isda, lipad agad sa mga tindahan ng gulay. Naghagilap ng mga sangkap sa putaheng tila kidlat na gumuguhit sa utak – palos na nakagumon sa salsang tausi, sangke, luya at wansoy. Sarrrap!

Naulit ang ganoong lintik-sa-bilis na paghahagilap ng mga pansangkap. Doon sa pamilihang bayan ng Maddela, Quirino. Nakasumpong ng isdang ludong. Tila ba nakatagpo ng mutyang nililiyag, inihanap agad ng angkop na gayak. Upang maitanghal at malantakan sa hapag.

Samut-saring hilaw na halimuyak ang likaw na naglisaw sa palengke. Tambad ang talaksang hilaw na sangkap. Malimit na may sansang ng putik at alikabok. Pero naroon ang mga paanyaya para lumikha ng dagdag na halaga. Doon masasapol ang katuturan ng tinatawag na salimbayan ng mga unawa – ang buhawi ng buhay sa marketplace of ideas.

Nasuob man sa lansa at sansang ang mga lumulusong sa palengke, talagang mas saludo ako sa kanila. Higit na galang ang laan ko sa kanila. Bawat isa’y may pakay na mga hilaw na sangkap na pagyayamanin. Titimplahin. Lulutuin. Para magdagdag pa ng higit na halaga.

Kaya mapapansin na may talim ng ningning sa kislap ng kanilang mata.

Nabanggit minsan sa aking supling na panay tamulmol ang nagbababad sa mga mall. Mas marangya ang gayak ng bawat puwesto sa mall – walang maliligaw na sansang ng putik o lansa ng isda, anggo ng karne’t samyo ng gulay. Sa ganitong atmosperang de lata, may sanghaya ng inimbak na embalsamadong bangkay.

Isa pa’y pulos tapos nang produkto ang nakatambad sa mall. Wala nang hamon sa pagiging malikhain. Wala nang udyok sa pagdadagdag ng halaga.

Nahuhubog ang kakayahan, katangian at pagkatao sa mga lugar na pinamamalagian. Mas gusto ko sa palengke.

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Cal y canto con camote

FENG shui (literally, wind water flow) lore has it root crops embody a hidden store of treasures. Say, a local food conglomerate needs yearly 35,000 metric tons of cassava for livestock feed-- the available local supply falls short of 13,000 tons. Cassava granules sell for around P9 a kilo. Demand for the same root crop to be used in liquor manufacturing is hitting above the roof. Why, raising cassava is a no-brainer task— this is one tough crop that can grow in the most hostile patches of earth, providing sustenance for ages to dwellers in sub-Saharan parts of Africa. While the hardy cassava is nearly pure starch, the lowly sweet potato or kamote is considered by nutritionists as a super food, the most nutritious of all vegetables— kamote levels of Vitamin A are “off the charts, rich in antioxidants and anti-inflammatory properties.” A fist-sized kamote can supply a day’s dose of glucose to fuel the brain, muscles, and organs, so they claim. Count the country lucky...

Wealth garden

‘TWAS CRUEL as smashing a budding green thumb: some years back, an abuela warned me about letting any clump of katigbi (Job’s tears or Coix lachrymal jobi for you botanists) from growing in our homeyard. That grass with rapier-like leaves that smelled of freshly pounded pinipig supposedly invited bad luck and sorrows—why, that biblical character Job wailed and howled a lot, didn’t he? (But was later rewarded with oodles of goodies, wasn’t he?) Then, I came across some arcane text that practically goaded folks to grow katigbi in their gardens—why, there’s a starchy kernel wrapped shut in the seed’s shiny coat. A handful or more of kernels could be cooked as porridge. Too, one could whisper a wish upon seven seed pods, throw ‘em pods in running water—a river or stream—and the wish would be granted! I was warned, too, about planting kapok or talisay trees right in the homeyard—these trees form a cross-like branching pattern. Pasang-krus daw ang bahay na kalapit sa puno ng kapok, tal...