Sa usapan namin sa telepono ni Edgardo M. Reyes -- umakda ng mga nobelang tulad ng Laro sa Baga, Bangkang Papel sa Dagat ng Apoy at Sa Mga Kuko ng Liwanag-- ginamit ng may pitak na ito ang katagang "mangkokolum."
Hinalaw naman ang katagang "mangkokolum" mula sa naging kantiyaw sa isang peryodistang AC-DC (attack-collect, defend-collect)-- sa halip na calumnist tinawag na kulam-nista.
Editor-in-chief noong 1998 si Reyes ng isang Tagalog broadsheet-- Diyaryo Uno. Minsang naging kapitbahay namin siya sa Lagro, Quezon City. Matagal ding naging kaklase sa boteny matapos magsara ng pahina ng dating Abante. Naging katalakayan sa ilang palihan sa malikhaing pagsulat nitong dekada 1980 sa UP Diliman.
Untag ko: "Kukunin mo ba 'kong mangkokolum?"
Aniya: "Ano bang mangkokolum? Mangkukulam!"
Nilinaw sa kanyang iba ang mangkokolum sa mangkukulam. May mabubungkal na halimbawa. Iba ang manunulat sa manunulot. Iba ang manananggal sa manananggol. Maging pakpak sa pokpok. Parehong kinakain ang puta at puto-- pero magkaiba pa rin.
'Kako'y umiiral pa rin ang alimuom ng wikang Español sa Pilipino-- tahasang nagtatakda ng kasarian o gender ang Español sa pangngalan (noun). Loko, loka. Operado, operada. Asunto, assunta.
'Kako'y nagsusulat lang ng kolum ang mangkokolum. Sa paglikha ng katagang iyon, bumubuntot lang ako 'kako sa nakagawian sa wika nina Johann Wolfgang von Goethe at Friedrich Nietszche-- palasak sa wikang Aleman ang paglikha ng mga bagong salita sa pamamagitan ng kenning: pagdudugtong ng mga salitang ugat o root word para makabuo ng salitang iba ang katuturan pero nakasandig pa rin sa pinag-ugatan.
'Kako'y ganoon din ang paraan ng ilang malusog na wika sa Asia, halimbawa'y ang Mandarin o Nippongo. Pinagsisiping ang dalawang salitang ugat para magluwal ng ikatlong kataga na nananatiling nakaugnay sa naunang dalawa na pinag-ugatan.
If the coined new word sounds good and feels okay, it will surely snuggle its way into our lexicon.
Maganda ang naging dating kay Reyes ng "mangkokolum." Pinapunta ang umaararo sa pitak na ito sa tanggapan nila. Nakipaghuntahan. Matagal na usapan. Sa huli: "Sige, simulan mo na ang pangkokolum. P1,000 lang isa ang kaya ng bulsa."
Bago pa man makapagbalibag at mailimbag ang unang pitak, ipinarada na ni Edgar sa unang pahina ng pahayagan ang panga-pangalan ng mga nagsusulat ng pitak.
Binansagan kami sa isang kakatwang generic name: "mangkokolum."
Ang totoo'y may bahid ng putik at burak ang naturang kataga. Mabubungkal mula sa isang katagang Hebrew-- golem. Taong putik ang tahasang katuturan niyon.
Sa golem mauugat ang "Gollum" na isa sa mga pangunahing tauhan sa trilohiyang Lord of the Rings ng dalubwikang si J.R.R. Tolkien. Teka: hindi si Frodo kundi si Gollum ang tuluyang nakapagtapon sa sinsing ng kapangyarihan sa pinagmulan nitong apoy-impiyerno ng Mordor.
Masarap isipin na humuhubog ng putik ang isa pang nagkakanlong na katuturan ng "mangkokolum."
Sa ganyang katuturan, walang ibang maiisip na akmang lalapatan ang kataga kundi ang mga Jewish rabbi na sumasaliksik sa lihim ng mga salita at mga kapangyarihan ng mga titik. Quabbalah ang tawag sa ganoong kaalaman.

Comments