Skip to main content

Bayabas, asin, at pinawa

Bago napalawak sa higit 20 ektarya ang kanilang lupain, ang mag-asawang kaanak ng aking abuela ay nakagawian na mamuhay nang payak. Dugo ng katutubong Khmer mula bulubundukin ng Cambodia ang taglay ng kanilang mga ninuno. Likas na sagitsit siguro ng dugo ang nagtutulak sa kanila sa pagiging masinop sa lupa, sa pamumuhay na salat sa luho -- pero todo-sagad sa sikap.

Uhugin pa ‘ko nang madalas maisama ng abuela sa tahanan ng mag-asawa. Pawid at kawayan lang ang bahay. Ligid sa mga punong bayabas at mangga ang bakuran. Dalawang beses santaon kung magbaba ng mangga, pero lagi naming nadadatnan na hitik sa bunga ang mga bayabas.

Matindi ang kargadang Vitamin C ng bayabas. Dalawang piraso lang, sapat na sa kailangan ng katawan sa isang araw. Duda ‘kong nagpupurga yata sa bayabas ang mag-asawang iyon. Tuwing mahahatak kaming kumain do’n, tiyak ko ang nakahain sa hapag: pinawa o tersera klaseng kanin na halos kulay pula’t may halo na konting darak (na tigmak pala sa lecithin, Vitamin E at iba pang sustansiya), manibalang na bayabas at asin. Nakasuwerte minsan: may inihaw na dalag (nasalakab daw sa kanilang bukid), halobaybay (malabnaw na bagoong), nilagang talbos ng kamote’t sawsawang katas ng malakampit na sampalok.

Hamak man ang pagsasaluhan, hindi nawawala ang papuri’t pasasalamat sa Maykapal. Ang totoo’y aanyayahan na makisalo sa hapag ang Maykapal. Gano’n daw ang dasal bago kumain. Para daw walang mabibilaukan sa pagkain. Pampadagdag din daw sa sustansiya at linamnam.

Ngayon na lang mauungkat ang sayad-putikang antas ng kapayakan ng kanilang pamumuhay. Batay sa Consumer Price Index (CPI) o mga pangunahing gugulin sa araw-araw ng karaniwang pamilya, pantustos ang P55.12 (sa bawat P100 kita) sa pagkain, inumin at sigarilyo. Linawin natin ang “inumin” na nakasakay sa CPI – beer, alak, kape, tsa, tsokolate, softdrinks, fruit juices, at mga kauri.

Nakalaan naman ang P44.88 ng bawat P100 kita sa pananamit (P3.66), upa at kumpuni ng tirahan (P14.69), elektrisidad, gas na panggatong at tubig (P5.74), mga serbisyo (P12.28) at iba pang gastos (P8.51).

Todo kunsumisyon sa bulsa ang isinasaad ng Consumer Price Index. Batay nga pala ang ating mga itinala sa konsumo ng karaniwang pamilya nitong 1994. Hindi na lapat ang ganitong kuwenta sa matimping diskarte sa pamumuhay ng mag-asawang kaanak ng abuela. Kulang sa halagang katumbas ng P55.12 (noong dekada 1960) ang malaking bahagi ng kanilang konsumo. Hindi rin abot sa katumbas na P44.88 ang non-food expenses nila.

Tuwing sisipatin ang mga batayan ng pamumuhay ayon sa CPI, maaaninaw ang mga makabagong gawi. Ngasab. Ngabngab. Lantak. Lapang. Tumutugis ang bawat konsumer sa nakahandog na samut-saring produkto’t serbisyo. Para bang ito lang ang pamantayan ng makabuluhan, ng makatuturang pamumuhay. Sabi nga, we’re a consumption-driven society. Parang tau-tauhan sa larong Pacman – hindi makausad kung hindi ngangasab, pwe-he-he-he!

Hanggang ngayon, patuloy na nginangata sa diwa ang inihaing pinawa, bayabas at asin sa hapag ng mag-asawang kaanak ng abuela. Sinuway nila ang umiiral na diskarteng ngasab-ngabngab-lantak-lapang sa lipunan. Nakapagtapos ang tatlo nilang anak sa kolehiyo, kasabay ng paglawak ng kanilang hawak na lupain. Doon nauwi ang natitipid.

Binata na ‘ko nang huling dumulog sa kanilang hapag-kainan. Ni hindi tumanda ang kanilang anyo. Pumuti lang ang buhok. May kasama nang burong martiniko, mustasa at inihaw na dalag ang nakagisnang pinawa, bayabas at asin, mwa-ha-ha-haw!


Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Cal y canto con camote

FENG shui (literally, wind water flow) lore has it root crops embody a hidden store of treasures. Say, a local food conglomerate needs yearly 35,000 metric tons of cassava for livestock feed-- the available local supply falls short of 13,000 tons. Cassava granules sell for around P9 a kilo. Demand for the same root crop to be used in liquor manufacturing is hitting above the roof. Why, raising cassava is a no-brainer task— this is one tough crop that can grow in the most hostile patches of earth, providing sustenance for ages to dwellers in sub-Saharan parts of Africa. While the hardy cassava is nearly pure starch, the lowly sweet potato or kamote is considered by nutritionists as a super food, the most nutritious of all vegetables— kamote levels of Vitamin A are “off the charts, rich in antioxidants and anti-inflammatory properties.” A fist-sized kamote can supply a day’s dose of glucose to fuel the brain, muscles, and organs, so they claim. Count the country lucky...

Wealth garden

‘TWAS CRUEL as smashing a budding green thumb: some years back, an abuela warned me about letting any clump of katigbi (Job’s tears or Coix lachrymal jobi for you botanists) from growing in our homeyard. That grass with rapier-like leaves that smelled of freshly pounded pinipig supposedly invited bad luck and sorrows—why, that biblical character Job wailed and howled a lot, didn’t he? (But was later rewarded with oodles of goodies, wasn’t he?) Then, I came across some arcane text that practically goaded folks to grow katigbi in their gardens—why, there’s a starchy kernel wrapped shut in the seed’s shiny coat. A handful or more of kernels could be cooked as porridge. Too, one could whisper a wish upon seven seed pods, throw ‘em pods in running water—a river or stream—and the wish would be granted! I was warned, too, about planting kapok or talisay trees right in the homeyard—these trees form a cross-like branching pattern. Pasang-krus daw ang bahay na kalapit sa puno ng kapok, tal...