NALINGUNAN ko pa ang lalaki. Malagihay na ang lakad. Nakalingkis-lamutak sa baywang ng kasamang dalawang pokpok—tiyak na kinahoy saanmang singit o kili-kili ng Avenida Rizal, papalo mula P200 hangggang P300 samputok. Baka pinakyaw ang dalawa, nagkasundo sa P500 sabayan. Sa konting halaga’y ubrang maglublob sa laman. Kaya sa bulsa. Sa bulsa.
Sa naturang bahay parausan na kahanay ng Avenida, kalye Trinidad, doon din ako nagpalipas ng magdamag. Palipas-pagod lang. Tagilid ang laman ng bulsa— P180 ang bayad sa 8 oras na pagtuloy sa paupahang silid. Kapos ang laman ng bulsa para umupa ng paupahang laman. Saka na ang paglulunoy ni manoy saanmang kanal.
Katreng may sapin na kahit limahid na kumot—ganoon lang ang pakay. Basta mailatag lang ang likod sa katre. Ganoon ang hinihinging limos ng katawan. Pagbibigyan. Kahit tulog-manok lang sa magdamag. Panakaw ang pag-idlip. Iglap na magigising kahit sa mahinang kaluskos. Mahirap nang mabulaga. Maunahan.
Lodge o inn ang karaniwang nakasupalpal na pangalan ng mga ganoong matutuluyan. Mas mataas ang uri at bayad-upa sa motel. Pinakamura ang P130 sa magdamag na pagtuloy sa lodge o inn—huwag nang maghanap ng matinong paliguan o palikuran. Wala no’n. Nanggigitata sa graffiti ang mga manipis na dinding. Karaniwang mga inukit na puso na may pinagsamang pangalan ng parehang nag-ulayaw—mga puso’t pangalang daan-daanan, ni hindi uusisain o mababasa ng ipis at butiki.
Kapiraso lang ang silid. Pero mistulang tiyangge ng tunog mula karamusahan at romansahan. Mauulinig ang ungol ng utog, hingal ng libog. Tunog ng bumabatak ng shabu. Kawing-kawing ang halinghing, yugyog ng katawan, impit na alulong-- anumang sasagitsit na tunog mula mga karatig na kuwarto. Makakasanayan ng pandinig ang sumagap ng mga bulong at kaluskos sa paligid, mula karipas ng butiki’t ipis hanggang sa gapang-usad ng huklubang daga.
Inn. Napanood kong pahapyaw ang Dragon Inn noong mga huling taon ng dekada 1960. Napanood ko rin ang The New Dragon Inn. Mga pelikulang wuxia. Eskrimahan, umaatikabong tagaan ang katangian ng wuxia. Malalapa’t kakataying tila pinatabang baboy ang parokyano na naligaw sa likaw ng bituka ng mga naitampok na inn sa wuxia. Isasahog o gagawing sangkap sa anumang lutuin, karaniwang sa siopao, anumang putaheng may karne. Hapyaw na sasagi sa utak ang ganoong ala-ala mula pelikula.
Sa isang ganoong tuluyan malapit sa kalye Bambang, papasok pa lang ako ng pasilyo nang masipat ang ilang pulis. Umaararo ng suntok-buntal-tadyak sa dalawa-tatlong lalaki. Umaatikabong kalabugan. Mga holdaper daw. Tutok-kalawit. Tulak daw. Basta pusakal. Nakalungga sa lodge. ‘Tatrabaho’ sa Avenida. Saka haharurot tungo sa lungga. Nasundan siguro. Timbog. Ni hindi nakapalag nang mapagsalikupan.
Meron din namang sa mismong lungga tumatrabaho.
Oo na! Hindi lang bundok at lungga ng pokpok, kadaupang-ari o kalaguyo ang tinatrabaho sa inn.
Pati ang mga tutulog-tulog o hindi alisto’y… talo. Bahagi ng magiging balitang panlungsod kinabukasan. Meron kang pambayad ng P130 o P180 sa walong oras na palipas-magdamag? Kahit na barya’y tiyak na may mabubungkal pa sa bulsa mo…
Naihanda na rin ang sarili sa ganoong pihit ng pagkakataon. Kailangang matunog. Malakas ang pakiramdam. Buo ang diskarte. Para hindi na mabigla o magitla pa kung unti-unting bumukas ang pinto’t may armadong buhong na pumasok—inaasahan niyong himbing ang dadatnan. O hindi makakapalag kapag naunahan.
Inner silence. Panloob na katahimikan. Talim-labaha ang gano’ng diskarte. Napulot pa sa isang pakikipagsapalaran sa kakatwang lupalop ng Pellucidar, naisiwalat ni Edgar Rice Burroughs, bumibira ng mga nobela ukol kay Tarzan of the Apes. Lahi ng kung anong dragon ang kasagupa ng bida. Mga matunog na dragon. Naririnig pati ang inuusal pa lang sa isip ng kahit sinong nasa malayo, matunog din sa mga vibrations o kinig sa paligid. Kaya laging silat ang diskarte ng Tarzan. Pumatas lang ang damuho nang pairalin ang kanyang reptilian brain— na may panloob na katahimikan.
Katugma yata ng taludtod sa tula. Siksikan ang salimbayan ng samut-saring ingay at angas sa labas. Sa ubod ng sarili’y may aserong katahimikan, panloob na katahimikan. Ganoon ang larawan ng buhawi. Ganoon din sa tornado. Sa unos. Walang humpay na ingay sa labas, tiwasay na katahimikan sa loob—parang payapang puyo ng alimpuyo.
Dalawa-tatlong taon ang nakalipas na babalikan ng tanaw. Malilingunan pa rin ang lalaki na nakalingkis-lamutak sa baywang ng dalawang pokpok. Ganoon pa rin ang presyo ng samputok hanggang ngayon. Hindi pa rin tumataas ng upa ng serbisyo sa kama. Abot-kaya pa rin ng bulsa: P200- P300.
Kinahapunan matapos ang magdamag na iyon, kasama na ang lalaking iyon sa mga natipong balitang panlungsod. Ako ang umareglo sa balita. Nagsara sa pahina ng diyaryo. Mahirap daw mamangka sa dalawang ilog. Masarap namang maglublob sa dalawang kanal.
Lintek na ‘yon-- nagpakalunod yata sa sarap.

Comments