MARAMING marikit na ala-ala na bumabalik kay Alice de la Jente, 65, batikang komadrona.
Tag-araw noon, latigo na humahagupit sa katawan ang init. Mabigat na ang pakiramdam ni Alice. Kahanay siya sa kapwa pasahero. Siksikan. Siksik pati bagahe’t dala-dalahan. Mahaba ang pila. Matagal umusad. Paakyat pa lang sila sa barko, palakbay-Maynila. Inip, inis, at init na init na siya.
Nagulat siya nang may humawak sa kanyang kamay—lalaki, mga edad-40, masuyo ang paghawak. Ni hindi nakaiwas ang komadrona nang halikan siya nito sa pisngi.
“Ninang,” anito na nakangiti, “ako si Banhao.”
Banhao! Patay na nabuhay! Bangkay na Lazarus na napukaw, bumangon mula hukay sa panawagan ng buhay. Gumuhit ang gunita sa utak ni de la Jente—ito nga ba si Banhao?
Ang sanggol na si Banhao na inagaw niya sa kalawit ng kamatayan? Noon pa ‘yon at napakarami nang sanggol na iniluwal niya. Mula sinapupunan ng kani-kanilang ina, sinapo niya. Dumaan sa kanyang mga kamay. Komadrona siya. Batikan. Malakas ang loob. Hindi sumusuko.
Banhao. Ganoon ang tawag sa patay na nabuhay. Sumuko na ang doktor na nagpanganak sa bata—pero hindi sumuko si Alice. Nursing attendant ang trabaho niya noon. Alalay ng nurse. Pero gawain na rin ng nurse ang ginagawa.
Hindi humihinga ang kaluluwal na sanggol. Kaya sumuko ang doktor, sinabing wala nang magagawa pa para mabuhay ang bata. Sinubukan ni Alice. Mouth-to-mouth resuscitation—hinagkan ang bata, hinipan ng kanyang hininga ang bibig, pinuno ng hangin ang baga nito. Parang nagsalin ng sariling hininga. Ganoon yata ang gawain ng komadrona.
Pumitlag ang bata. Sinundan ng cardiac resuscitation. Matagal bago umiyak, pero umiyak din ang kasisilang.
“Nang umiyak siya, there was great rejoicing nang malaman ng nanay niya. Akala kasi patay na. Kaya tinawag siyang Banhao, Binuhusan ko siya ng tubig. Parang binibinyagan. At nabuhay siya,” kuwento ni Alice.
Buhos na tila ulan ang tuwa sa mga kaanak ng ina—nakatipon sila labas noon. Bilang pasasalamat, humango sila ng isda, alimango, laman-dagat. Nagkatay ng manok. Nagpiging. Ipinagdiwang ang naganap na ‘himala.’ Heto ngayon ang sanggol na iyon. May marangal na trabaho. Master mate ng barko na paroo’t parito sa kapuluan. Matapos ang pagkikitang iyon at sa tuwing uuwi ito, laging may hatid na pasalubong sa kanyang ninang—ninang na nagsalin sa kanya ng mismong hininga nito, nagbigay sa kanya ng pangalan: Banhao.
Hindi lang si Banhao ang inagaw niya sa kamatayan. May naunang iba pa.
“Hilot ang nagpaanak pero dinala sa amin sa pediatric ward. Dehydrated masyado ang bata, nakatirik ang mata. Akala nila patay. Bininyagan ko rin ng tubig-- kahit ang sabi ng doktor na iuwi na lang sa bahay. Sabi ko, dadalhin ko ang bata sa Iloilo. Pakiramdam ko may pag-asa pang mabuhay ang bata.
“Wala silang kapera-pera. Ako pa ang bumili ng lahat na kailangan. Hindi ko pa sila iniwanan,” lahad niya.
17 taon ang nakalipas nang makita niya ang kanyang ‘binuhay.’ Nagpakilala sa kanya: “Ninang ako si Ferdinand na anak ni Letty. Ako ‘yung binuhay mo.”
Naninirahan na ang kanyang inaanak sa Cagayan de Oro—nakapagtayo ng paaralan doon ang pamilya ng bata na noon ay walang kapera-pera. Nagdala ng suwerte ang bata, na ‘binuhay’ ng mapagkalinga na komadrona. Naging inspirasyon sa pamilya ang ginawa ng komadrona. Nagtindig sila ng paaralan. Para sa mga komadrona.
Napakagaan ang haplos sa puso nang malaman niya ang ginawa ng pamilya: “Tama na sa akin ang ganoon. Na naalaala nila ako. It is something that no amount of money can ever compensate.”
Menor de edad: 16 taong gulang nang makatapos at unang pamalaot sa gawain ng komadrona si Alice. Edad 15 nang nakapasok sa Fabella Maternity and Children’s Hospital noong 1955. Ayaw pa ngang tanggapin sa mismong ospital para masubukan ang kanyang pinag-aralan. Nang una siyang pumasok doon, nanguna siya sa may 1,000 kumuha ng pagsusulit-- na 108 lang ang kukunin para sanaying komadrona. Nalimutan kaya iyon ng pangasiwaan ng Fabella?
Kasi, may mga sinusunod na alituntunin noon pa man. Sa edad-18 ubrang magsanay bilang nurse. Edad 21 ang takda para magkomadrona. Pero kailangang magbigay-daan ang mga alituntunin sa mga namumukod-tangi sa kakayahan—na tulad nga niya.
Napilitan siyang maging mapangahas. Hinamon ang direktor ng ospital.
“Bigyan ninyo ako ng pagkakataon. Ibig kong patunayan sa inyo na anuman ang magagawa ng isang edad-21, kaya ding gawin ng isang 15 anyos,” aniya.
Inilagay siya sa 3-month probationary period. Kung papasa siya sa loob ng 3 buwan, tatanggapin siya—na sa huli nga, naging top graduate pa ng kanyang klase.
Kabilang sa kanyang mga ipinakitang gilas sa gawain: nagpaanak na walang punit o laceration sa maselang kalamnan ng puwerta.
Sa edad niyang 65 taon ngayon, maraming pangahas na hakbang ang kanyang nagawa.
Napasimulan niya ang 3-taong kurikulum sa itinatag niyang paaralan para sa komadrona—ang IMAP Foundation School. Oo, itinatag niya. At may sarili itong gusali na ipinatindig ng samahan.
Naranasan niyang makipag-ugnayan sa mga pharmaceutical companies sa iba’t ibang bansa para matustusan ang pag-aaral ng mga Filipino midwifery students na kinakapos ng panggastos sa pag-aaral.
Nailagay niya sa mapa ng daigdig ang Pilipinas bilang isa sa mga bansa na may kawan ng mga pinakamagagaling na komadrona sa buong mundo. Dinala niya sa bansa ang kapulungan ng pandaigdigang International Midwives Federation—naging ikalawang pangulo siya nito nitong 1993-1999.
“Napaganda ang pakikipag-ugnayan, ang networking at sabi nga ng World Health Organization, ang kapulungang iyon na idinaos sa Pilipinas ang naglapit sa dati ay nagkakahiwalay na mga maunlad at papaunlad na mga bansa. Pinanguluhan ko ang kapulungan (na may mga kinatawan mula 58 bansa sa daigdig). 120 kinatawan ang dumalo doon.
“Nakagiliwan pa ako ng mga bansang nasa Africa, Burma at Thailand. Laging nag-aanyaya sa akin kasi’y nakita ko ang kanilang kalagayan at nakita naman nila ang lakas ng mga komadrona at ang kanilang mahalagang bahagi sa mga komunidad na walang ibang health workers,” kuwento niya.
May kislap na naman ng nabubuong balak sa kanyang mga mata—ilalatag sa isang 18-ektaryang lawak ng lupa sa kanilang barangay sa Navalas, malapit sa dalampasigan doon, ititindig doon ang isang home for the aged. Unti-unting nabubuo ang kanyang bagong pangarap para sa mga matanda na kailangan ng kalinga. Katulong niya sa pagbuo nito ang kanilang alkalde, pati ang lokal na populasyon.
“Gusto ko na magkaroon sila ng pananaw na (kahit sa) pagtanda, mayroon pa ring pakinabang ang tao. Dapat na madama na kailangan pa rin sila. Sa plano ko doon, mayroon silang garden. Mayroon silang piggery. Mayroon silang poultry. Para self-supporting. Gusto ko rin na may group sessions na may counseling.”
May liyab pa rin ay Alice ng pagkilos para sa kapakanan ng kapwa. Makikita: hangad pa rin niya ang pagkalinga at taimtim na paglingap sa buhay— sanggol na iluluwal man sa liwanag o silang papalapit na sa dapit-hapon ng buhay. Sabi nga, isang malawak na kabuuan ang nasasaklaw ng kanyang mga gawain at pagkilos.
Pero nananatiling payak ang kanyang panuntunan sa kanyang mga hakbang.
“Minsan naging bahagi ka ng kanilang buhay. Naging bahagi ng magandang ala-ala nila. Tama na sa akin ang ganoon bilang komadrona.”

Comments