ITIKOM ang kamay. Sinlaki ng nabuong kamao ang sariling puso—tambor de sangre, tambol ng dugo. Pero parang paru-paro o pulang mariposa na apat ang silid o apat na piraso ang marupok na pakpak.
Ang sukat ng isang tao ay matatagpuan daw sa kanyang puso, ayon sa sawikaing Latin.
Paano nga ba susukatin ang pagkatao kung sinlaki lang ng kamao ang taglay niyang puso? An open palm may be a fitting symbol for an open mind that can grasp, let go of any matter at hand. A clenched fist is obviously the sign of a tightwad.
Pansinin din na kabilang sa tatlong pinakamabangis na killer disease sa bansa ang sakit sa puso. Traydor na sakit daw ang atake de corazon. Makakalkal sa mga nakalipas na ulat na ang mga nasa dapit-hapon ng edad ang madalas na salakayin ng kanilang puso. Baka pinabayaan. Baka hindi kaya ang ibabayad sa triple heart by-pass o angioplasty.
Tiyak na marupok ang puso ng mga nabiktima. Kabilang sa mga gawain para sa mga may tibay sa puso ang marathon, mahabang lakaran, umaatikabong harumpakan, pag-akyat sa bundok, long-distance biking. Pero hindi lang pagtunaw ng mantika sa dibdib at pagwaksi ng pusakal na cholesterol sa dumadaloy na dugo ang pagsukat sa puso.
Pansinin ang larawan ng Sacred Heart of Jesus. Gapos ng koronang tinik, tila lamparang may liyab at may nakatusok pang balaraw sa kakatwang puso. Mga sagisag yata ito na nahukay noon pang unang panahon, inilapat sa larawan upang magpahiwatig sa tibay ng dibdib.
Umaalingawngaw ang mga nakalarawang sagisag sa katagang shinja o ninja. Oo, sila nga ‘yung mga upahang pusakal sa isang karumal-dumal na yugto ng kasaysayan sa Japan.
Pusakal mang ituring, ang tahasang katuturan ng ninja ay “taong nakasuksok ang patalim sa puso.”
Baka kung anu-ano pang abubot ang nakasalaksak sa puso. Na tiyak na bubulwak, bububo sa dumadaloy na dugo. Babahid sa buong pagkatao ng may puso.
Anu-ano ang malapit sa ating puso? Anu-ano ang mga nakaangkas sa pulang mariposa na pabigat sa pagaspas-lipad ng bagwis nito?
Sa isshin ryu na isang karate style, “buong puso” lang ang talagang katuturan. Pusong watak-watak ang tahasang pinapanday sa matiyagang pagsasanay. Pagbuo lang sa wasak na puso ang pakay. Magugunita ang sawikaing Latin na sa puso masusukat ang tunay na pagkatao.
Go into deep meditation. Look deep into your heart. Anumang mga larawan ang nakatanim doon ang magtatakda ng iyong kapalaran, ng sukatan ng iyong buhay.
This bit of initiation into an arcane know-how has been brought to you by Ama, yeah, para makaiwas-pusoy daw sa traydor na atake de corazon at blood pressure maintenance drugs na tumatabo ng mahigit $30 bilyon taun-taon sa mga tinalikdan na ng sarili nilang puso pero tiyak na uupakan din sa kalaunan.

Comments