HINOG na ratiles ang nakatampok sa katamtaman na laking milon. Ganoon ang humulagpos na dibdib nang matanggal ang kawit ng pantakip nito. Pero hindi sa kanyang sanggol ipasisimsim anumang nalalabi pang patak ng colostrum at kasunod na bukal ng gatas.
Wala sanang aantig na anuman kung tagakatas lang sa gatas-ina. Maaandap, mag-aatubili kung tagakasta ng ina.
Ngunit may kani-kaniyang matinding kailangan na dapat tugunan sa pagkakataong iyon, sa panakaw na pagtatagpong iyon.
“Tula! Kahit tahong na tula. Sabawan mo nang marami. Samahan mo ng maraming dahon ng malunggay. Para laging sanlitro ang reserbang laman nito,” anang lalaki sabay hagod sa kaliwang dibdib ng kausap. Masuyong paghagod para madama ang mainit na tibok ng kaba at kutob.
Pero matatag sa hawak ang nakaumbok na laman. May gatas at gatong na palaman. Masisindihan. Magliliyab.
Akmang lalapit ang ngusong may walis-tambok para itutok sa tuktok na tampok. Dahan-dahang napasunod-nguso sa suso; dahan-dahang padausdos na inilapat ng hubad na kausap ang kanyang likod sa higaan.
“Kailangan ko ng pambili ng gatas. Para sa anak ko,” bulong nito, nakapikit, iniiwas na maiharap ang mukha sa kausap. Ayaw pahalik marahil.
“Ano ba’ng laman ng suso mo? Hangin?”
“Konti lang kasi ang laman,” asiwang sagot.
“Malaman ‘tong mga suso mo, ‘day! Hindi ka lang kasi nagpapasuso. Mas tatambok ‘tong mga suso mo ‘pag regular kang magpapasuso. Saka hindi ka agad mabubuntis. Ayaw mo no’n?”
“Wala akong oras kasi,” salag nito.
“Ano’ng walang oras, meron ka namang suso?”
“Maaga ang pasok ko sa inuman mo, ‘no. Pa’no ko magpapasuso? Dadalhin ko’ng bata do’n?”
“Kaya sa ‘kin ka na lang magpapasuso?”
“Hindi. Gagatasan kita!”
“Ang angas mo, ‘day!” Pasubsob na sumibasib sa nakaumbok na tampok, na nanigas na sa nagsusumiksik na lamig ng inupahang silid. Tila sanggol na hayok, sumupsop na tila humihitit ng kamandag sa nag-uumpugang bundok.
Sumiyap siyang tila nawalay na inakay. Bahagyang dumaing, tila sanggol na mag-aapuhap sa dibdib ng ina ng banayad na lagablab at lagaslas ng katas.

Comments