ASONG umaawit pala ang talagang dapat itawag sa lahing asokal. Pinahiran natin ng konting pulot-pukyutan sa pangalan. Kumukuyog sa pagsalakay. Pero may katangiang hihimas sa panlasa.
May mga sinaunang paniwala mula India na ang mukha, leeg hanggang dibdib ng aso ay sumasagisag sa araw. Gabi naman ang sinasagisag ng nalalabi pang bahagi.
Daloy ng maghapon at magdamag ang tahasang sinasagisag ng aso.
Sa maniwala’t hindi, nababawasan daw ang marumi’t karumal-dumal na karma ng sinuman tuwing magpapakain siya ng aso.
Hindi na ako nagtataka kung bakit madalas na matokang magpakain ng aming mga potsosoy—‘yun ang term of endearment namin sa aso—si Ama. Tiyak na nagtutungkab ng kahindik-hindik na karma.
Umiiral pa rin ang isang paniwala na inangkat mula India. Maging ang mga dakilang guro at mga anghel ay nagkakatawang-lupa sa anyo ng aso.
Iba naman kasi ang paniwala sa ating lupain. Nag-aanyong aso daw ang asuwang—pero halata pa rin dahil kakaiba ang laki, tila nagliliyab ang lisik ng mata, karaniwang itim ang kulay ng balahibo, madalas na naglalaway habang nakasungaw ang hilera ng pangil.
Maaari raw makipagtalastasan sa inyong aso sa ikawalong araw ng paglaki ng buwan. Paliguan. Bigyan ng kanyang paboritong pagkain na may kasamang kasoy. Suubin din ng insenso. Ano’ng malay natin kung espiritu pala ng sinumang dakilang guro o kaya’y anghel ang nagkatawang-aso’t naging alaga ng inyong pamilya?
Pansinin na aso ang turing sa sarili ng mga paring Dominicans. Domini canis o dogs of God. Kapag binaligtad nga ang baybay ng dog, god. Aso rin ang turing sa sarili ng mga Muslim na Sufi na naghahabi ng mga marikit na alpombrang lana. Baka magulantang pa tayo sakaling ibunyag ng ating alagang aso ang kanilang inililihim na anyo.
Sakaling isa palang monghe mula Belgium ang alaga, baka maturuan pa ang amo ng paraan sa mahusay na pagtimpla ng masarap na beer—mga monghe doon ang gumagawa ng pinakamasarap na beer sa buong mundo.
Kung isa palang Sufi ang alaga, baka maibahagi sa amo ang mga lihim na aralin at pamamaraan ng mahika. Mga gurong Sufi kasi ang nag-iingat ng mga ganoong lihim.
Marami nang sumablay na akala. Inaakalang amo ang nangangalaga sa kanyang alagang aso. Ni hindi sasagi sa isip na taliwas pala. Aso pala ang talagang nangangalaga sa kapakanan ng amo.
Nilapitan ka ng aso mula sa kanan? May makakamit kang tagumpay ang inihuhudyat nito.
Nakita mo siyang may kagat-kagat na pagkain? May makakamit kang pakinabang ang tahasang pahiwatig nito.
Marami pa marahil na lihim at hiwaga na mauungkat at masisiwalat kung masinsinang makikipagtalastasan ang amo sa kanyang aso.

Comments