MO-ER o munting tainga na katumbas ng taingang daga o cloud ear mushroom ang talagang pakay namin tuwing papanhik kami ni Ama ng Bundok Makiling.
Mahina kung dalawang kilo lang ng tuyo nang mo-er ang malilikom mula sa mga sanga ng bagsak na puno. Sapat na ang ganoong dami sa santaong lutuan ng anumang ulam na malalahukan nito.
Ibababad lang sa tubig para manumbalik ang lutong ng mo-er. Naisasahog sa pancit at chop suey. Tulad sa tokwa na wala talagang lasa, humihigop ang mo-er ng linamnam sa mga kasama nito sa lutuin—mula tamis-alat ng oyster sauce hanggang suwabeng anghang ng luya.
Nakakapulot din kami sa bundok ng mga buto ng nutmeg o Myristica fragrans. Panlahok din sa pagkain pero ang taglay nitong myristicin ay tumatadyak daw sa utak. Mararamdamang tila lumalaki ang ulo—hindi sa ibaba. Pampalibog din. Tila pansamantalang mabubuksan ang ikatlong mata sa noo. Makikita ang mga nilalang mula sa ibang dimension.
Hindi naman namin sinahugan ng santambak na nutmeg ang aming hapunan ng gabing iyon—Viernes Santo na kabilugan ng buwan-- sa Makiling. Tigdalawang monay lang kami saka litson manok at atsarang papaya.
Maghahating-gabi na yata nang mapansin ko ang isang anyong nakatalungko sa hindi kalayuang batuhan, nilalaro ng malamlam na liwanag-buwan at salitan ng mga anino mula sa mga malalabay na sanga ng dambuhalang puno.
Anyong aso yata. Parang kabayo din. Hindi naman kumikilos ni kumikislot.
Huwag daw pansinin, sabi ni Ama. Nalilibutan daw ang tulugan namin ng asin. Walang maligno na makakapasok sa ipinalibot na asin.
Mga limang metro ang layo ng kung anumang iyon. Nauulinig ang masasal na paghinga. Banayad na humuhuni. Parang huni ng kabayo.
Huwag daw naming patulan kahit tila nais na makipagkilala. Mahirap daw maging tagapangalaga ng nilalang na 400 na ang edad. Sobra-sobra raw ang layo ng generation gap.
Teritoryo daw ng naturang nilalang ang pinasok namin pero nagpasintabi naman bago naglatag ng matutulugan.
Nang lubusang mapag-usapan kinaumagahan, inamin ni Ama ang kanyang pangamba. Nais ipamigay ng kumag na kung anuman iyon ang taglay nitong agimat. At kapag naagaw dito ang agimat, magiging alaga mo na. Doon na sasakit ang ulo mo.
Saan nga naman ilalagak ang tikbalang? Mahilig pa namang gumala ang kumag.
Baka hindi nga tikbalang. Eh saan ikukural na sabsaban ang sigbin na maglalambing sa amo ng konting blood donation? Kapag nag-alaga raw ng sigbin, mambabarang na raw ang magiging papel mo. Hindi raw kanais-nais ang ginagawa ng mambabarang.
Tikbalang man o sigbin ang nais makipagniig sa amin, hindi namin talaga kinibo. Mahirap mag-aruga sa ganoon katandang alaga— ayaw naming maging caregiver.

Comments