NAKATAYA ang aking pusta kay Erik “El Terrible” Morales. Maliit na halaga lang. Para may sumalungat naman kay Emmanuel “Pacman” Pacquiao sa kanilang basagan ng mukha ngayong Linggo.
Aaminin kong mas may tiwala ako kay Morales. Hindi man niya ginutay ang hilatsa ng mukha ni Pacquiao sa unan nilang salpukan, umihi naman ng dugo ang hinirang na pambansang kamao ng Pilipinas. Baka tuluyang natigok si Pacman kung sakali matapos ang una nilang paghaharap.
Sariling ama ang naghasa ng talim ni Morales sa unang salpok kay Pacquiao. Gusto ko ang ganoong father-and-son bonding. May antig ‘yon sa marupok na family values na umiiral sa ating bansa. Sariling ama rin ang tagasanay ng isa ko pang paborito, si Floyd Mayweather, Jr. na parang lintik kung sumagitsit ang kamao kapag pinakawalan sa kasagupa.
Lalong umangat ang paghanga ko kay Mayweather nang malaman na tatay pala niya ang katulong niya para bumuo ng plano ng pakikipagsagupa. Mahirap iwaksi na may matibay na bigkis silang mag-ama.
Ni hindi ko kailanman narinig na nagpasalamat si Pacquiao sa kanyang tagasanay, kay Freddie Roach. Bukod sa sariling kakayahan at talino, iba na ang may magaling na fight strategist.
Isa sa mga pinakamahusay na fight strategist sa mundo si Roach. Pero tahasang commercial transaction ang namamagitan sa kanila ni Pacquiao. Tutumbasan lang ng pera ni Pacquiao ang mahusay na serbisyo at mainam na fight strategy ni Roach.
Hindi lang transaction kundi transformation ang umiiral sa samahan ng mag-amang Morales. Bagsak ang anak nang hindi ama ang nangalaga sa kanya. Sa pagkakataong ito na mapapanood sa Linggo, magkasama na sa bakbakan ang mag-ama. Para sa akin, malalim ang kabuluhan at kahulugan niyon.
Pustang pera lang ang matatalo sa akin, kung sakali. Walang talo ang mahusay na samahan ng mag-ama. Kahit pa pareho silang malugmok sa bakbakan. Mas matibay at mas matindi ang samahan na may makatuturang transpormasyon kaysa kalakalang transaksiyon.
Ganoon ang makikita kong antas ng laban.
Iniulat nitong 2005 ng World Bank ang mga bansa na tumanggap ng dollars mula sa kani-kanilang migranteng manggagawa. Una ang India ($21.7 bilyon). Kasunod ang China na nagkamal ng $21.3 bilyon. Ikatlo ang Mexico, $18.1 bilyon. Pang-apat ang France, $12.7 bilyon at ikalima ang Pilipinas, $11.6 bilyon.
Ituturing kong parehong pambatong OFW sina El Terrible at Pacman na magsasalin sa kani-kanilang bansa ng tumataginting na dollars.
Pero kay El Terrible at sa kanyang ama, sa father-and-son bonding nila ang aking taya at tiwala. Walang talo doon.
Amigos, vamos golpemos cojones!

Comments