NAKATOKA sa ‘kin ang pagbabayad ng tubig para sa bahay. Kayang-kaya ng bulsa ang pumapatak na P500 lang sambuwan. Sulit na sulit naman ang bayad—pampaligo ng mga aso ang naipambanlaw sa washing machine, pandilig ng halaman ang pinaghugasan ng pinggan o pinaghandaan ng lutuin. Pati hugas-bigas, mapapakinabangan pa ng mga halaman sa paso.
Binata pa raw si Ama nang sa artesian well siya sumasalok para pumuno ng santuong sa araw-araw. Baka katumbas ng sambariles na krudo ang isang tuong. Naglalaman ang bawat bariles ng 42 gallons o 159 litro—kasukat ng isang tabo o bote ng Coke litro ang sanlitro.
Kasukat ng siyam na puno ng niyog ang inihulog na mga tubong bakal sa kailaliman ng lupa hanggang makasuksok sa aquifer o likas na imbakan ng tubig sa kailaliman ng lupa. May kabigatan ang pambomba ng tubig (tatlong metrong habang solid na lawaan) na karugtong ng naturang siyam na pirasong bakal na sintaas ng niyog.
Para daw makakalas ang kili-kili’t matutungkab ang gulugod sa sunud-sunod na pagtimba ng tubig. Ikakapit ang kanan o kaliwang kamay sa mabigat timbaan, iaangat, ibababa. Angat-baba-angat-baba-angat-baba. Parang hinahatak daw ang kalamnan sa baywang sa pagtimba. Kapag nangawit ang kanang kamay, kaliwa naman ang isasalang sa ganoon pa ring rhythm at imbay ng katawan.
Para daw dahan-dahan, napakahirap na pagbunot at pagsakyod ng baling sungay o balisong. Ganoon daw ang pagtimba. Ganoon daw ang masasalin sa muscle memory mula sa ganoong gawain. Anong uring kaalaman ang ilalaman sa laman ng ganoong gawain?
Abot lang sa 13 kilo ang bigat ng sambaldeng tubig. Sampares na balde na isisingkaw sa balagwit o pingga— apat o limang buko ng tilad na kawayan ang haba. Hindi basta kawayan. Dapat na uring bayog o tinikan na lalong pinakunat sa apoy at unti-unting hinubog para maging mainam na pingga o shoulder pole. Kailangang higit sa 26 kilo o mga 60 libra ang load-bearing capacity o kakayaning bigat ng pingga.
Lagpas lang daw sa isang kilometro ang layo ng igibang poso sa pagdadalhang bahay. Salitan lang daw ang kanan at kaliwang balikat sa pagbalagwit. Para pantay lang ang parusa at kikimkiming pananakit ng kalamnan sa gulugod, leeg at balikat.
Sandosenang balikan lang daw, puno na ang tuong. Sapat na ang naisaling laman para sa isang araw na pangangailangan sa tubig.
Kapag nasimulan ng alas sais ng umaga ang igib, tapos daw ang igiban bago pumalo ang alas nueve. Nakakasumpong daw paminsan-minsan ng magpapaigib. Dalawang piso isang hakot. P24 ang katumbas ng isang tuong na pinuno hanggang umapaw sa loob lang ng tatlong oras.
Papatak pala ng P720 sambuwan ang halaga ng pang-araw-araw na pangangailangan sa tubig ng mga panahong iyon. Mga taon ng 1970.
Parang katad daw na hasaan ng labaha ang kalamnan sa likod at balikat ni Ama nang una silang magkakilala ni Mama.
Ikatlo ako sa kanilang naging supling. Natokahan nga na magbayad ng tubig. Tubig na mula sa gripo, sampihit lang meron na. Kayang-kaya ng bulsa ko ang parusang P500 sa sambuwang konsumo ng tubig. Asenso na talaga ngayon.

Comments