SIYAM daw ang buhay ng pusa. Lima ang aming alagang pusa. Lumilitaw na 45 buhay-pusa ang inaaruga sa aming tahanan.
Kilalanin natin sila. Puting-puti si Shampoo, pinakamatanda sa kanila. Kinuha ang pangalan mula animé, sa Ranma ½. Babaeng isinumpa na nagiging pusa si Shampoo kapag nababasa, batay sa takbo ng kasaysayan sa naturang palabas. Pinapaliguan namin noon sa banyo si Shampoo. Kahit minsan, hindi nagbago ng anyo para kami makapag- work a broad. Opo, work a broad.
Bunso si Bonyat na puting-puti rin sana kung walang bonyat o munting tumpok ng balahibong itim sa noo. Hindi na namin matiyak kung sino ang nanay ni Bonyat. Tatlo kasi ang sinususuhan, sina Shampoo, Pin Yin at Toyang. Kuting pa ang damuho pero dalawa nang ibong maya ang nasisila nito. Matagal na paglalaruan ang nahuling ibon saka lalapain.
Puti si Toyang na asul ang mata. Anak ni Shampoo. Madalas maglambing, paminsan-minsan ay nakikisukob sa kumot kapag natutulog ako. Pinulot ang pangalan niya sa kanta ng Eraserheads.
“Baybay” at “tunog” ang kahulugan ng Pin Yin na isang paraan para maisalin sa computer ang baybay-tunog ng wikang Mandarin. Paraan din ang Pin Yin para lubusang malinawan ng mag-aaral ang wastong bigkas ng mga katagang Mandarin. Katulad ito ng IPA o International Phonetic Alphabet transcription para naman mapanuto ang bigkas sa mga katagang English.
Kilabot nga pala ng maya, bubuli, palaka at bubuwit si Pin Yin, babaeng supling ni Shampoo. Itim na itim at mabalasik ang pukol ng tingin. Madalas ding mahambalos ng walis ni Mama dahil mahilig ding mang-umit ng pitso ng manok o gilit ng bangus, hito o galunggong, pati tipak ng kalabasa o putol ng sitaw at kangkong.
Bathaluman ng Awa si Kwan Yin, anak ni Shampoo. Pero barakong pusa na kilabot naman ng mga dagang bukid, sinlaki niya halos ang mga iniuuwi. Gumagalugad sa labas ng pamamahay. Gawak na ang tiyan. Ubos na ang laman-loob. Pugot na rin ang ulo. Kailangan na lang laplapin ang balat kung sakaling nais iluto. Puwedeng adobo o sinugba dahil hindi naman nakakadiri ang kinakain ng daga sa parang.
Pampaamo raw sa pagpasok ng kasaganaan ang puting pusa. Mula feng shui ang ganoong pamahiin. Panlaban naman ang pusang itim sa masamang alimuom o pamatay na singaw mula kailaliman ng lupa. ‘Yung tinatawag na may geopathic stress o ugat na dinadaluyan ng maruming tubig. Panganib kapag nakatirik ang bahay sa ganoong lugar. Nagpupunla daw ng maagang kamatayan ang geopathic stress. Nagiging sanhi ng tumor, kanser, diabetes, sakit sa puso at iba pang kalawit ni Kamatayan sa mga nakatirik sa ganoong lugar. Pati sa mga nasa paligid nito.
Hindi matatawaran ang pakinabang sa aming mga pusa, batay sa mga naturang paniniwala. Pati pala kalawit ni Kamatayan, ginagawa nilang lawit ni Kamatayan.
That’s why I love pussy.

Comments