Pinakamatindi raw itong pangungusap para mahikayat o masulsulan ang pinipithaya para tuluyang mapitpit kapag tumihaya. "Rainen no kono hi mo issho ni waratteiy-oh."
Para palang tunog orasyon. Para mabugahan ng gayuma ang pinagnanasaan at pagpapasasaan na katakam-takam na katawan. Na baka mauwi sa rayuma sa halip na gayuma kapag ganoong pangungusap ang ibubulong. Ihahagod ng naglalagablab na hininga sa tainga ng inaasintang sinta dahil isang uri ng papaya ang sinta. Kailangan talagang papisil-pisil na hawakan nang mahigpit habang inaakyat-langit at kinakanta, opo, kinakanta’t ano pa nga ba ang magagawa sa leron-leron sinta.
Pero hindi iyon orasyon sa Latin—kung anu-anong nakabukang kuntil-butil lang ang alam kong salat sa Latin.
Basta pinaka-astig daw na maihihirit sa nililiyag ang ganoong pangungusap. Iyon ang iniulat ng isang pangkat ng Japanese cultural analysts. In plain English, that’s just a pick-up line to tow away a well-stacked chassis with a view to proper lubrication.
"This time next year, let's be laughing together." Suavely subtle proposal to get into her pants, whatever she’s wearing that ought to be put away.
Sana nga ay maraming kumagat sa ganyang pambingwit. Kung hindi dalag kahit dilag. Kundi hito kahit anumang nakapagitan sa hita, kahit pa pla-pla o dalagang bukid.
Nakayakap na mahigpit sa takda ng panahon ang balak na pakikipaghalakhakan, kasunod marahil ang pakikipaghalikan, at kung anu-ano pang maisusunod batay sa takdang panahon. All a matter of time. And timing.
Pinakamadalas na gamiting kataga sa English ang time. Natukoy naman iyon ng mga mananaliksik mula Oxford University Press na naglilimbag ng Concise Oxford English Dictionary, pinaka-astig na gabay o tagatakda ng pamantayan sa nahuhubog na wikang English.
Lumilitaw na buhos ang ating kalooban, damdamin at isipan sa daloy ng panahon. Nangunguna ang time (mahirap isalin nang wasto at husto sa ating wika ang singkad at sikad ng panahon). Ikatlo sa pinakamadalas mabigkas o masulat na kataga ang year o taon. Panlima ang day o araw. Panlabing-pito ang week o linggo.
We spend time to lead our lives. Gumugugol tayo ng panahon sa diskarte ng pamumuhay.
Quality time ang maibibigay natin sa mga minamahal sa buhay. Quantity time translates to quality time, anupa’t higit na maraming panahon at mahahalagang sandali ang iniuukol at ibinibigay na kusa sa mga minamahal. Time don’t cost much but it’s too priceless to be frittered away sa mga walang kakuwenta-kuwenta’t walang kakuwento-kuwento.

Comments