NAGBALIK-LOOB na pero hindi nakalaboso ang mangkukulam na kinapanayam noon ni Ama.
Sinibasib daw niya kasi ang mga aklat ni Carlos Castañeda hinggil sa kakatwang pananaw ng mga mangkukulam sa daigdig—Weltanschauung yata ang tawag doon—at umiiral na katotohanan. Kamukat-mukat, kathang-isip lang pala ni Castañeda ang mga brujo na gumabay sa kanya.
May sanaysay din ang bayaning Dr. Jose P. Rizal hinggil sa kulam. Pero hapyaw lang. Hindi masinsinan ni masusi ang pagbungkal sa anumang diskarte ng pangungulam.
Baka naman kasi kulang sa ulam. Pinaikli. Naging kulam. Tiyak na santimbang tubig at isang P5 na pakete ng instant noodles ang tahasang paraan sa kulam, lalo na sa panahong ito.
The genuine item pero born-again Christian na ang ex-mangkukulam na naisalang ni Ama sa tactical interrogation.
Marami raw kasing itinumba. P5,000 lang bawat ulo. Ganoon lang kamura ang buhay ng papaslangin. Nakapundar nga ng bahay at lupa. Kumita talaga mula sa pagkalakal sa kakatwang kakayahan. Talagang nakarami. Umarangkada ang negosyo.
Paslang, pagpatay. Pagpasilang, pagpupugay sa buhay.
Ganda babae na tubong Cebu ang naturang tirador. Paktol daw ang tawag sa kanyang pamamaraan. Tila apoy na iipunin—mula sa Nihongo ang ippon, one kill point ang katumbas—sa diwa at dibdib ang sulak ng ngitngit. Saka saltik na paiigkasin patungkol sa ililigpit.
Ganoon kadali?
Ganoon kadali. Karaniwang sa hindi raw maipaliwanag na sakit natitigok ang biktima.
Nasa dakong kaliwa umano ng mangkukulam ang napariwarang anghel na naghahatid ng kalatas ng kamatayan sa bibiktimahin. Karaniwang humahaginit na special delivery na daig ang pinagsanib na Fedex at UPS—Fed up at sex. Para agad na tumalab ang death wish.
Kaya nga kinukutuban ako sa madalas awitin ni Ama na pampatulog noong ako’y sanggol pa lang. Enter Sandman. Metallica ang bumanat. May bahaging dasal na umaantig sa guardian angel. Pero may kambyo. Hush pretty baby don’t say a word. And never mind the noise you’ve heard. It’s just the beast under your bed, in your closet, in your head…
Kinulit daw nang kinulit ni Ama ang seksing Cebuana.
Hindi ibinigay. Pero bumigay.
For the sake of anthropological research kuno ang pakay. Hindi pa raw kasi dumarating ang mga Español sa ating lupalop, meron na raw tinatawag na mga babaylan at katalonan. Iginagalang, kinatatakutan sa kanilang kakaibang kapangyarihan. Iyon daw ang mga sinaunang mangkukulam.
Sayang daw kung tuluyang mawawaglit ang kanilang natatanging kaalaman. Pati ang kanilang mga pamamaraan.
Kailangan daw sinupin.
Subukan din paminsan-minsan. Sabi nga yata ni Francis Bacon, “knowledge is power.”

Comments