Salpukan
SA salpukan nauuwi ang pag-ungkat sa anumang tinutumbok ng mga programa sa telebisyon. Hindi naman kasi matiyak kung inaasinta nila ang karaniwang miron sa pagitan ng dalawang tainga, sa pagitan ng mga tadyang o sa pagitan ng nakabukakang hita.
Ipinipilit ng nakatatanda kong kapatid na para daw sa masa. Nagsusulat at nananaliksik kasi siya para sa isang programa ng Kapuso. Dati siyang Kapamilya. Bihasa na sa gawaing pantelebisyon. Sabi’y masa daw ang talagang inaalayan ng mga programa ng alinman sa mga nag-aangkas sa daan-libong boltahe ng kuryente.
Masa din naman ang tawag sa pinaghalu-halong arina, lebadura, mantekilya, gatas, itlog, asin, at iba pang sangkap para sa lulutuing pan de salsal (kailangan na ng ganitong paraan para lumaki ang naturang tinapay na unti-unting nanliliit) monay, pinaputok o pan de regla. Hindi kailangan ng panakip-butas sa huling nabanggit.
Kung masa ang talagang nais makinabang sa alay na panoorin, dapat na parang lebadura ang epekto sa masa. Umaangat. Umaalsa. Lumalago. Sinasalinan ng hangin para makahinga. Ganoon ang bisa ng lebadura, brewer’s yeast o leavening sa masa na isasalang sa pugon.
Maiisip kasi na hindi bisa ng lebadura ang epekto ng mga programa sa masa.
Baka kasi shortening. Ito ‘yung mantikang baboy na haram o bawal sa mga Muslim. Baboy kasi.
Saka malakas ang kutob sa epekto ng shortening. Pampaikli ang ibig sabhin ng shortening. Kahit sabihin pang pampadulas din, baka umikli lang ang papahiran nito. Sa halip na ocho-ocho pulgada ang sudsod na ipang-aararo sa tigmak na bukirin, maging quarto pulgada lang. Hinagpis ng lapis. Mabibitin ang monay kung hanggang bukana lang ang papasukin.
May kani-kaniya tayong paninindigan. May mga layunin at bagay na pinapahalagahan o values system. Matagal na akong nanghinawa sa mga layunin, pakay at bagay na binibigyan ng halaga ng mga pinagsawaang programa. Trivia o walang kapararakang kuntil-butil ang masasagap sa talk shows, lalo na kapag tinalakay ang buhay-artista. Dysfunctional families o mga wasak na pamilya naman ang inihahain ng drama.
Tunog ng nagsesermon ang buga ng bunganga ng mga tagabasa ng balita. Pero mababaw din at walang insight sa pag-uulat.
Kung masa ang talagang hahainan ng ganyang mga putahe para lumusog ang isipan, baka naman para lasunin ang isipan ang talagang puntirya nila.
Kung masa ang talagang nais makinabang sa alay na panoorin, dapat na parang lebadura ang epekto sa masa. Umaangat. Umaalsa. Lumalago. Sinasalinan ng hangin para makahinga. Ganoon ang bisa ng lebadura, brewer’s yeast o leavening sa masa na isasalang sa pugon. Para maluto.

Comments