IBA ang kunat ng kawayan kung ihahambing sa tibay ng laman—28,000 PSI sa kawayan o ganoon karaming libra ang kailangan para bumigay ang isang pulgadang parisukat ng kawayan. Mas matibay pa nga ang kawayan kaysa bakal na bibigay kapag tinuunan ng 23,000 PSI. Tila tangkay ng kangkong ang buto ng tao, lasog sa isang PSI lang. Paano na lang ang malambot na kalamnan?
Samantala, hindi dapat lumabis sa 30% ng timbang ng tao ang bigat na dapat niyang balikatin nang matagalan. Kung 100 libra ang timbang, sapat nang 30 libra ang ihahapit na bigat ng dalahin sa likod o balikat. Panganib na sa kalusugan kapag pilit na babalikatin ang labis na bigat na unti-unting ngangatngat, dahan-dahang gugutay sa mga himaymay ng laman.
Maglalaro sa diwa ang ganitong tuusan tuwing magugunita ang pagsalok ni Ama ng tubig noon para sa araw-araw na pangangailangan. Mahigit sa 2/3 na bahagi ng utak ay tubig. Higit sa 2/3 na bahagi ng katawan ng tao, tubig din. Higit sa 2/3 na bahagi ng daigdig, tubig pa rin! Tatanim nang tuluyan sa utak ang 2/3. Tuldok muna saka 666… Kakila-kilabot na sakmal ng mga bilang ng Halimaw!
Sandosenang 26 na kilong balde para punuin ang isang tuong sa araw-araw. Kilo. Hindi libra. Halos 60 libra ang katumbas ng 26 na kilo. Walang pinsala sa kalamnan at pangangatawan kung 200 libra ang timbang ng magbubuhat ng 60 libra. Pero 120 libra lang daw ang bigat ni Ama.
Sandosenang pabalik-balik mula iniigibang poso hanggang bahay na may isang kilometro ang layo. Pumapatak sa sandosenang kilometrong haba ng lakarin. Araw-araw!
Tiyak na naliligo sa pawis at humahagok sa pagod si Ama matapos ang ganoong tatlong oras na penitensiya bawat umaga. Kapag nasumpungan na may magpapasalok, kikita nang konti. P24 kapag nakapuno ng isang tuong, papatak na P720 sambuwan.
Hindi na nga ako umaangal na matokahan sa pagbabayad ng tubig sa aming bahay. P500 lang nga sambuwan. Walang kahirap-hirap ang pagpihit sa gripo para magkatubig.
Meron daw gantimpagal o sukli sa kanyang pagod. Ituring na gantimpala. Damang-dama raw niya ang sagitsit-bulwak-buhos ng endorphin o ang tinatawag na happy hormone sa kanyang utak. Maluwalhati raw ang pakiramdam niya matapos ang bawat igiban. Very refreshing daw. Parang walang kahulilip na kaligayahan—na hindi matatawaran ni mababayaran. Endorphin din nga pala ang bumubulwak sa utak sa kasukdulan ng umaatikabong barukbukan!
Iyon daw ang lihim ng mga Dominikano at Trappist monks na limang oras sa araw-araw na isusubsob sa walang puknat na gawain ang katawan. Ganoon daw ang talagang mataimtim na dasal.
Sabi nga nila: Orare est laborare, laborare est orare. Gawain ay dalangin, dalangin ay gawain.

Comments