TUMATABO raw si Ama ng may P300 araw-araw noong P16 lang ang minimum wage. Wala pang 500 metro parisukat ang kanyang gulayan. Talong, upo, at mais lang ang pananim.
Ni hindi nga pambenta ang mais. Panlahok lang daw sa suwam at nilagang baka. Sabaw pa lang ulam na. Matingkad kasi ang linamnam ng kapipitas na mais.
Wala raw sa 12 tudling ang upo samantalang mga 20 hanay ang talong, siyam na puno bawat hanay. Madaling araw pa lang, sagsag na sa kanyang gulayan ang dalawa o tatlong mamamakyaw. Hahango ng talong para dalhin naman nila sa Divisoria.
Matapos makaalis ang mga mamimili, masinsinan nang pakikipagniig sa mga halaman. Baka nga pakikipagtalastasan. Pingkian daw at palitang-kaalaman ng magkaibang uri ng anyong-buhay o life form. Parang French kiss na sabay na magpupuluputan-sipsipan-higupan ng hininga. Sa madaling sabi: Symbionts na magkasabwat sa symbiosis o pagsasalo ng biyaya’t pakinabang para kapwa mabuhay. Alam ng mga masugid na sumubaybay kay Peter Parker alias Spiderman ang katuturan ng salitang symbiont. Buhay na kasuotan sa katawan ni Spiderman sina Venom at Carnage na kapwa kahila-hilakbot ang lakas at kapangyarihan.
Payak lang ang pamantayan ni Ama sa mga nais niyang makatalastasan. Basta maipagmamalaki daw niya ang katangiang taglay ng kausap, tiyak na kagigiliwan niya. Sagrado raw kasi ang sining ng komunikasyon. Halaw daw ang komunikasyon sa sinaunang kataga na ang katuturan ay piging ng isang pangkat na liwanag ang pinagsasaluhan. Hindi nawawaglit sa ganoong katuturan ang symbiosis.
Naihayag daw minsan ng henyo sa paghahalamang si Luther Burbank na mahigit 20 ang sense organs ng halaman.
Lima lang ang sense organs ng tao. Marami pa nga ang bulag o sulipat ang paningin, barubal at garapal ang panlasa, manhid ang pakiramdam. Marami na ngang bingi kaya pambulahaw sa patay ang dagundong ng tugtog sa Pier 1 o kauring bahay-inuman at videoke joints kaya kahit na magsigawan para mag-usap lang hindi pa rin magkarinigan. Marami rin ang barado o burado na ang pang-amoy, kahit sanlinggo nang hindi naliligo o naglublob sa limang baldeng deodorant, pilit makikihalo sa mga pasahero para magsaboy ng lagim.
‘Yun daw 20 sense organs na natukoy ni Burbank ang pilit inaalam ni Ama sa kanyang paulit-ulit na panayam sa mga halaman. Hanggang ngayon. The communication is mostly conducted in silent mode, the secrets revealed wordlessly to the communicants.
Anuman ang hiwagang natuklasan, nakahiligan din daw niyang tuklasin sa pamamagitan ng kanyang talong ang mga hiwaga ng hiwa—sex organ daw ang tawag do’n.

Comments