HINDI nagpaunlak si Ama sa paanyaya nina Tita Soledad at Tito T.T. Antonio na manuluyan siya sa bakanteng condominium unit sa may Buendia Avenue, Makati. Kahit walang bayad, talagang ayaw pumayag. Kahit pa ubrang magdala ng Magdalena para malahian, ayaw.
Bentahe nga naman na walang makikialam. Walang manghihimasok. Walang magmamasid ni susubaybay na kapitbahay o kalapit-pinto kapag nakatira sa ika-10 palapag ng gusali. Tiyak na kahit epikong tula, nobela o anthology ng kuwentutan, tahasang masasabakan at matutustusan ng panahon. Makakarami.
And so popped out that word, anthology. It’s simply a collection of flowers culled off the ground. Malaki raw ang kaugnayan ng pamumupol ng mga bulaklak mula sa pisngi ng lupa.
Sabi nga, you’ve got to stop and smell, deflower.
Masasagap daw sa itaas ang bawat bunton ng isusukang usok at asap mula mga tambutso sa lansangan. Pati na alimuom at alinsangan. Paitaas pumailanlang kasi ang mainit na hangin. Ganoon sa mga lungsod.
Kaiba sa bundok. Mas manipis na ang hangin at atmospheric pressure sa rurok. Mas malamig sa tugatog.
We’ve heard this one before: A change in altitude inheres a change in attitude. And attitude counts a lot more than aptitude.
Ganoon ang katwiran ni Ama kaya mas nakahiligan ang pagpanhik sa bundok kaysa sa mga dambuhalang condominium na gusaling sinuputan daw ng condom. Kaya kahit anyong nakatirik sa tangkang pagbiyak sa pisngi ng langit, walang mararamdamang sarap. What a waste of a huge erection!
Meron daw mayuming daloy ng kuryente ang lupa. Telluric currents daw. Dragon currents naman ang tawag ng mga may kaalaman sa feng hsui. Kapag itinugma ang latag ng pamamahay at pamumuhay sa daloy nito, tiyak na maamo ang magandang kapalaran at pihit ng mga pagkakataon sa mga namamahay.
Pampalakas at pampautog, oops, pampalusog daw sa katawan ang kuryente sa lupa. ‘Yun daw talaga ang dahilan kaya umiiral kay Ama ang nag-uumapaw na makamundong pagnanasa.
‘Yun din daw ang lihim ni Antaeus, supling ng dagat (Poseidon) at daigdig (Gaia) na habang nakatuntong ang anumang bahagi ng kanyang katawan sa lupa, mananatili ang kanyang kahindik-hindik na lakas.
Paliwanag nga sa Wikipedia: “ Antaeus is a symbol of the spiritual strength which accrues when one rests one's faith on the immediate fact of things.”
Nagapi lang si Antaeus nang iniangat ito saka sinakal habang hindi nakayapak sa lupa.
Mas mainam daw na nakayapak sa mismong lupa. O lubusang nakalublob ang mga paa sa lupa. Susi raw ito upang mabigyan ng aserong bagwis ang isipan. At pumailanlang naman ang diwa sa kawalang-hangganan ng himpapawid at kalawakan.

Comments