KARANIWANG sa kortapluma ang sukat na 21 pulgada— mas maikli pa nga ang pantistis na scalpel pero talagang pinipili ang mga lunan ng katawan na tutuldukan o gagatlaan, kahit 2-3 pulgada ng talim susuksok, lalaslas sa mga tinatawag na brachial artery…
Size doesn’t matter, indeed, as long as the wielder makes the most in sizing up—same lethal points to ponder and sunder in both small and large targets-- then, cutting the opposition down to size.
Madaling itago ang veinte y uno kaysa 29”— kapwa balisong o baling sungay… kaya mas mainam ikintal sa kamalayan na may nakasukbit na alagang hayup sa katawan, pinapastulan… sasagisag sa kabuuan ang maliit na bahagi… synechoche… “sakit ng kalingkingan, damdamin ng buong katawan.” Dilang sulsol na gatong sa bukana, nagliliyab pati puso’t kaluluwa…
Iugnay na rin ang ang sungay sa animal na nagtustos ng gatas sa sanggol na Zeus—pinag-ugatan ng katagang “diyos” sa ating wika.
Bilang pasasalamat ng bathala sa kaloob na kupkop at kalinga, binigyan ng himala ang pumanaw na animal. Naging cornucopia or horn-of-plenty ang sungay nito—sungay na bukal ng kasaganaan sa pamumuhay.
Sa ganitong pananagisag nakabatay, isinasaalang-alang ang sukbit… kasaganaan, walang humpay na daloy ng iba’t ibang kailangan sa tiwasay, mapanlikha’t maginhawang pamumuhay.
Idagdag pa ang payong feng shui: mainam na maglagay ng siyam na matulis na bagay sa bahaging timog ng pamamahay… na nakaugnay daw sa paningin, puso, tagumpay sa negosyo, paglikha ng mga magandang pagkakataon, pagtanaw sa hinaharap at kasikatan… popularidad.
Umaayon din sa ken (panloob na pananaw, pag-arok, pagsukat, kabatiran o insight) at kan o tingin, sipat o kilatis sa mga anyong panlabas.
Kendo = malalim na pananaw na lumalaslas, tumatastas, lumalaplap sa mga panlabas na anyo.
Kando = mababaw na pananaw na karaniwang nasisilaw sa mga lantad na hugis, anyo, kulay, galaw.
Kandong = paying lap service in a tempting prelude to the jackhammer position…
Uulitin na muli ang nailahad na minsan, the tools that we employ in earnest work reconfigures, shapes the body-mind… tahasang nagiging karugtong ng ulirat at katawan ang kagamitan na laging inilalapat sa gawain… sumasalin sa laman ang kaalaman—that which we figuratively pertain to as a “body of knowledge.”
After a few high fives as we chattered away in inebriated glee at Thirst.day, Gandhi plied out a plaint about the steel-hard feel imparted by my not-so-callused palms… ‘kakatakot daw ganoong kamay… baka makamatay… naholdap tuloy ang katoto ng pantaksi.
Ay, pulos dahon ng aklat, bulas ng puno’t samut-saring kasangkapan sa araw-araw na gawain ang sumalin marahil sa palad… na ihahaplos din sa malamyos na katawan ng kabiyak, ihihimas sa sinumang kabiyakan… ibabasbas na may kalakip na sagradong mudra sa mga anak, sa mga apo, sa kahit na sino na nagmamano… ikikipil sa mga butil ng dusaryo sa panalangin… ikukurot ng paminta’t asin sa pagluluto…
Napakaraming gawain na lalapatan ng palad, napakaraming bagay-bagay na magagagap… napakaraming paglikha’t pagpuksa ang dadaloy na gawa sa palad…
May kapos-palad, may kulang-palad… at may mga mapalad. Hindi hinahanap o nasusumpungan ang kapalaran— sa mismong palad.
Kay Mariang Palad.

Comments