Tandang padamdam
BEREFT of banner, it’s a flagpole about to plug a hole—that’s what an exclamation point is!
Or that’s the way it figures, so downright sexy and virile… taut and tense as the opening chords of a The Smiths number, “Girlfriend in a Coma.”
Meron pa kasing iba na gumamit ng bansag na “Mangkokolum”—tinuldukan sa dulo. That suggests end of conversation. Or the finality of a sentence, finish.
I wanted finesse and passions running at fever pitch, a sure aim at targets on sight, bloodshot bull’s eyes and dark dead centers held in place by ripples spreading out like the thighs of a cherished dear in surrender to tender ministrations… the old-fashioned Beatles’ ditty, “Fixing a Hole.”
Or to assign a philosophical perspective, it’s a bit about Immanuel Kant thought.
Gano’n ang masidhing sagisag at sigasig na inilapat sa bandilang pangalan ng web log, Mangkokolum!
Singkapang may tigas na tiyak susuksok sa maluwalhating karimlan ng butas… magkapatong, magkaniig, nagtatalik na sagisag ng yin-yang, yoni-lingam… opo, ito ang tinutukoy ng Red Hot Chili Peppers—“deep inside of a parallel yoni-verse, it’s getting harder and harder…”
Gano’n din ang sagisag na nakatanghal sa bandila ng Israel, ang tala ni David… dating pastol na nagtumba sa damulag na Goliath, saltik na ipinilantik, tumama’y lintik…ito ang yata ang pinagmulan ng tayutay na bato-bato sa langitngit, tamaan ay kailangang magpa-dialysis… and it was King David’s paramour from whom the family lineage of Jesus was descended— profane, profound.
So naughty, so nutty.
Titigan, titigan… kikislot, kikisap ang isa pang larawang masisipat mula sa naturang bantas na nagbabadya ng matinding damdamin… ah, punla ng halaman na itutulos sa dibdib ng lupang dinukal.
And such a mundane task speaks of unbridled passions in boteny—whoopsydaisy!-- botany rather. I’m an agronomist, apothecary, more of a gardener longing for a lust Eden.
Saka pulos reklamo lang naman ang natatanggap sa mga masugid na nakasubaybay sa inyong imbing lingkod… pinakahuling binabasa ang aking pitak sa mga pahayagang kinalilimbagan, ‘hirap daw kasing masapol agad ang kahulugan… may inaabot ng maghapon sa paulit-ulit na basa, paulit-ulit din na hahagalpak ng tawa… may inaabot daw ng sanlinggo, babalik-balikan…
Maglulupa po ako. Naghahalaman ng kaalaman. Naghahasik pa rin ng mga binhi at punla… May mga punlang titilapon sa batuhan at makapal na damuhan, sumibol man, tiyak na matatabunan. May mga masasadlak sa lupang nasinop—ang iba’y makukutkot pa nga ng ibon, pero may mga tutubo’t lalago.
So there, that ought to explain the point that needed to be XXX-claimed.
Mwa-ha-ha-haw!
Comments