SA udyok na bihisan ng laman at bigyan ng buhay ang natagpuang kalansay para pag-aralan daw ng nakasunod kay Hesukristo, dinagukan ang nakasunod saka sinabihan: “Sarili mong buhay at katawan hindi mo mapag-aralan, gusto mo pang panghimasukan ang sa iba, gunggong ka!”
Matutunghayan ang naturang alamat ng gunggong sa Munaqib—kalipunan ng mga kuwento, himala at aral sa Sufi… nakasulat sa sinaunang wika ng Persia, tinipon at isinalin ni Idries Shah, pinamagatang The Hundred Tales of Wisdom… P239 ang nag-iisang sipi na nabili sa National Book Store.
Makakalkal naman sa global information superhighway or Internet ang isa pang likhang salin ni Idries Shah, The Book of Power na naglalaman ng iba’t ibang pamamaraan para magkamit, gumamit ng karunungan at kapangyarihang itim…
Sumagi sa isip ang ngitngit ng Hesukristo sa kuwento nang maglahad ng santambak na hapis at hinagpis ang katotong dilag… naungkat ang masalimuot na buhay ng ilang kakilala’t kaibigan… naglimi, naghimay, nagtunton at nagsuri batay sa kani-kanilang Facebook account… lakas kasi ng buhos-ulan ng gabing iyon, sumisiksik sa laman ang lamig, mapipilitang tumungga ng Tanduay, makinig, maghintay na humupa ang ulan… schadenfraude mode turned on…
Nagsalpak naman sa puwang, “What’s on your mind?” ng… (I have) to agree with Marcus Tullius Cicero... "Cultivation to the mind is as necessary as food to the body." And cultivating heavenly bodies entails plowing 'em, then, seeding 'em, mwa-ha-ha-ha-haw! (Go ahead; seek out Dong de los Reyes as FB friend, so I can ignore you.)
Napag-alaman ang isang kaibigan na sinasamantala’t ginagawang gatasang baka ng walang trabahong kinakasama—na may batugang asawa’t mga anak… sumusundot ang Tanduay sa laman ng bungo, nag-uudyok na sumigaw, “Why can’t she just walk out on such an asshole, start afresh… get a new life?”
Napag-alaman na tinotorotot at hinuhuthutan lang ng kanyang asawa ang isa pang kaibigan… na hindi malaman ang susulingan para kumita, para mairaos ang walang saysay na luho ng asawa… now, the ravening wolf in me howls in pain at the rain…
Nabihisan ng laman ang mga nakangiting kalansay na larawan na hinukay mula Facebook…
Umaalingawngaw sa ulirat ang bulyaw ng Hesukristo sa mapanghimasok na tagasunod: “Sarili mong buhay at katawan hindi mo mapag-aralan, gusto mo pang panghimasukan ang sa iba, gunggong ka!”
Kaya uukilkil ang gagawin sa kinabukasan… wala pang sumasayad na pagkain sa sikmura, muling magsasapin sa katawan ng mga mumunting himaymay ng panibagong laman… routine drills in the so-called “Demon Hand” coaxes the ooze of human growth hormone (HGH) to weave wee strips of dark flesh beneath the skin… fond thought and reflex action are fused in such drills.
Saka muling sisipatin ang sarili sa salamin. Hihinga nang malalim, ibabaon mula gulugod hanggang talampakan ang hininga…
Saka maghihilamos, lalagok ng kakaibang tubig mula Kasulatan, Bhagavad-Gita, Munaqib, Quor’an…
Love this serene life.
Comments