Skip to main content

रो 4


Row 4

KAYA naman pala lumabas na gunggong… hindi isinalang ang katawan sa gawa—puro ngawa lang—para manatiling matino ang isipan… use it or lose it, sabi nga.

Batugan na ang katawan, batugan pati isip—gunggong na, inutil pa… walang masisipat na maganda sa katawan, mas karima-rimarim sa sukat pati isipan.

Nilinaw sa British Journal of Sports Medicine matapos ang pananaliksik sa 20,000 tao na kahit 20 minuto lang sanlinggo ang ilaan sa pagpag ng katawan, makakaiwas na sa pinsala ng isipan… noon pang 2008 ito natuklasan, pwe-he-he-he!

Hindi na kataka-taka na ang mga hinangaang sina O-sensei Morihei Ueshiba, Miyamoto Musashi, George Washington Carver, Luther Burbank at Rudolph Steiner pawang nahutok, nahubog ang katawan sa halos walang humpay na gawain sa araw-araw… kaya marahil malalim na, malawak pa ang saklaw ng kanilang inilahad na kaisipan… namuhay sila sa mga nakaraang siglo, pero nakaigpaw at angkop pa rin sa kasalukuyan pati sa hinaharap ang kanilang mga diskarte sa pamumuhay… so colossal body-mind stamina and stick-to-itiveness.

Lumitaw sa pananaliksik: the more, the merrier.

Mas maraming larangan ng gawain ang lalapatan ng katawan, higit na magiging masigla’t matipuno ang isipan. Use it or lose it… hindi na ginagamit ang utak, hindi pa nakasalang sa anumang gawa ang katawang batugan, ano ang kahihinatnan kundi kagunggungan?

Ipinagdiinan nga ng mga nagsaliksik: “any form of daily physical activity was associated with a lower risk of distress, when other influential factors, such as age, gender, and the presence of a long term condition, were taken into account.”

Pinakamatindi nga ang bisa ng gawaing pampalakasan… sportive activity can cut down risk of distress by 33%.

Steady beer buddy wanted to see me do cartwheels on the seashore… I could have obliged with a yoga head stand or reverse pose but did not… our feet turned into chariots of fire… swollen from hours and hours of trudging through trails on the island… so much sole searching done.

Tougher than cartwheels was a dare to clock 15 minutes on a climb of a 60-degree angled kilometer uphill… did that barefooted with a few huffing and puffing in about 10 minutes
, mwa-ha-ha-haw!

Physical activity curbs the risks of a range of serious diseases, such as heart disease and certain cancers.

“And it improves several biological risk factors, such as glucose intolerance and inflammation, which have … been linked to depression and dementia.


Warat pala talaga ang katinuan kapag hindi masinop na subsob sa gawa ang katawan…

Kaya pala 100 iglap na igkas-tarak ng patalim ang kailangan araw-araw para maunawaan lang ang katuturan ng mga tagubilin ni Miyamoto Musashi…

Kaya yata walang patumanggang pagsisinop sa samut-saring halaman ang tinupad sa araw-araw nina Luther Burbank, Rudolph Steiner at George Washington Carver…

Kaya pala araw-araw ang pakikipag-ulayaw sa araw ni O-sensei Morihei Ueshiba.

Nahutok na sa pagpanday ng aserong katawan, nahatak pa upang makaigpaw sa anumang panahon ang kanilang kaisipan.

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina

Cal y canto con camote

FENG shui (literally, wind water flow) lore has it root crops embody a hidden store of treasures. Say, a local food conglomerate needs yearly 35,000 metric tons of cassava for livestock feed-- the available local supply falls short of 13,000 tons. Cassava granules sell for around P9 a kilo. Demand for the same root crop to be used in liquor manufacturing is hitting above the roof. Why, raising cassava is a no-brainer task— this is one tough crop that can grow in the most hostile patches of earth, providing sustenance for ages to dwellers in sub-Saharan parts of Africa. While the hardy cassava is nearly pure starch, the lowly sweet potato or kamote is considered by nutritionists as a super food, the most nutritious of all vegetables— kamote levels of Vitamin A are “off the charts, rich in antioxidants and anti-inflammatory properties.” A fist-sized kamote can supply a day’s dose of glucose to fuel the brain, muscles, and organs, so they claim. Count the country lucky

Every single cell of my body's happy

I got this one from Carmelite Sisters from whose school three of my kids were graduated from. They have this snatch of a song that packs a fusion metal and liebeslaud beat and whose lyrics go like this: "Every single cell of my body is happy. Every single cell of my body is well. I thank you, Lord. I feel so good. Every single cell of my body is well." Biology-sharp nerds would readily agree with me in this digression... Over their lifetimes, cells are assaulted by a host of biological insults and injuries. The cells go through such ordeals as infection, trauma, extremes of temperature, exposure to toxins in the environment, and damage from metabolic processes-- this last item is often self-inflicted and includes a merry motley medley of smoking a deck a day of Philip Morris menthols, drinking currant-flavored vodka or suds, overindulgence in red meat or the choicest fat-marbled cuts of poultry and such carcass. When the damage gets to a certain point, cells self-de