Skip to main content

Hugot sa isinuksok


PAMBALISONG 29” ‘to— 100 igkas-tarak na araw-araw sasanayin, iisa lang…sa isang iglap kapag may buhay na kikitlin. It’s more turned to less, quantity skimmed down to quality… a quantum of bonding time translated to eternity in a moment’s blur.

Ika-25 araw ngayon sa buwan, 29 na ang nasulat na inilagak dito, mangkokolum.blogspot.com… hugot na lang sa isinuksok, Inday… maisasalpak ‘to na tila tagdan sa butas ng pahinang pupunuan araw-araw…

Kung may tiyaga sa pagbibilang, mauungkat sa bawat nasulat na karaniwang 444, 555, 666 o 777 ang kabuuang bilang ng mga nakalatag na kataga… bakit gano’n? Sinasadya ba ‘to?

Ah, mga diwata at ninunong namayapa umano ang nakapatnubay, nasa tabi-tabi lang kapag sumulpot na signos ang 444.

Mga anghel ang nakatalaga sa paglitaw ng 555, kahit amoy-sardinas.

Pulos demonyo at mga masidhing mithi—intense thoughts that become alive, take ephemeral form and await to take flesh in reality-- na nakapailanlang sa paligid ang ibinabadya ng 666… sex, sex, sex can be ominous of bestial passions.

Pahiwatig sa magaganap na himala o mainam na pihit ng pangyayari sa buhay ang itinatakda ng 777.

Superstitious crap these might be, or just the best of wishes for our readers—18 lang nga ang nakalista na sumusubaybay sa aking web log… paisa-isa lang ang nag-iiwan ng pasasalamat at kuro sa binasa… may mga naliligaw na nag-aaral yata ng English, nakatutok daw sila sa mga susunod pang ilalagak na sinulat.

Iisa pa lang ang nagsabi—taga-Dumaguete, ‘tapos sa Silliman-- na sa isang basahan, sapol na niya ang ibig kong sabihin… mas marami ang nagrereklamo, may pagkakataon ngang tumawag ang isa sa opisina, balking and barking at how I’ve taken liberties with the English language and its idioms… hindi nakapiyak nang ako na ang kausap—naubusan ng hininga sa todong tawa.

May isa namang sumulat, sobra libog at laswa daw ‘tong kolum… bed influence raw sa mga babasang bata… hindi ko pinatulan. I don’t take minors to bed… they can’t carry either a decent or engage in an indecent conversation… lousy deportment.

Sobra? Unti-unti ang pag-alis d’yan… tanggal muna ang –bra, maiiwan ang so-… hindi na tinatapyas ‘yon, sinasaksakan nga ng silicone para maging malusog… kailangan pa ngang himasin, lamasin ng 45 minuto, as recent findings recommend, kahit araw-araw para maiwasan ang sulpot ng tumor.

Kapag higit na abala sa sulat kaysa suso, gayahin ang halimbawa ni Wolfgang Amadeus Mozart… imposible raw matugtog ng sinuman ang isang bahagi ng kanyang obra… kailangan ng sagad-habang daliri na wala sa kahit na sinong tao… tinugtog ng Mozart ang obra, dumating sa imposibleng bahagi… habang umiilandang sa kung saan-saang teklado ang mga daliri, idinuldol ang ilong sa teklado—natugtog ang imposible…

Comments

Freya said…
Idioms.in: Learn idioms with comprehensive meaning, examples and origin details in easy to find classification system including search, alphabetical order, meaning of down to earth online teacher and more.

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina

Cal y canto con camote

FENG shui (literally, wind water flow) lore has it root crops embody a hidden store of treasures. Say, a local food conglomerate needs yearly 35,000 metric tons of cassava for livestock feed-- the available local supply falls short of 13,000 tons. Cassava granules sell for around P9 a kilo. Demand for the same root crop to be used in liquor manufacturing is hitting above the roof. Why, raising cassava is a no-brainer task— this is one tough crop that can grow in the most hostile patches of earth, providing sustenance for ages to dwellers in sub-Saharan parts of Africa. While the hardy cassava is nearly pure starch, the lowly sweet potato or kamote is considered by nutritionists as a super food, the most nutritious of all vegetables— kamote levels of Vitamin A are “off the charts, rich in antioxidants and anti-inflammatory properties.” A fist-sized kamote can supply a day’s dose of glucose to fuel the brain, muscles, and organs, so they claim. Count the country lucky

Every single cell of my body's happy

I got this one from Carmelite Sisters from whose school three of my kids were graduated from. They have this snatch of a song that packs a fusion metal and liebeslaud beat and whose lyrics go like this: "Every single cell of my body is happy. Every single cell of my body is well. I thank you, Lord. I feel so good. Every single cell of my body is well." Biology-sharp nerds would readily agree with me in this digression... Over their lifetimes, cells are assaulted by a host of biological insults and injuries. The cells go through such ordeals as infection, trauma, extremes of temperature, exposure to toxins in the environment, and damage from metabolic processes-- this last item is often self-inflicted and includes a merry motley medley of smoking a deck a day of Philip Morris menthols, drinking currant-flavored vodka or suds, overindulgence in red meat or the choicest fat-marbled cuts of poultry and such carcass. When the damage gets to a certain point, cells self-de