Skip to main content

Mangkono


MADALING makatagpo ng mangkono, kasi’y napakaraming umuusbong na bakawan sa disyerto’t siksikan ang mga birhen sa mga bahay-putahan.

Pinakamatigas daw na kahoy sa bansa ang mangkono, Xanthostemon verdugonianus or Philippine ironwood… aabot sa apat na araw ang paglagare sa punong may bulas na 36” sa tindi ng tigas… masusumpungan sa pulo ng Dinagat sa Surigao, Homonhon sa Samar, Babatngon sa Leyte at sa mga dawag ng Palawan… nakapagsinop na rin ng mga binhi ang isang non-government organization sa Barangay Mascap, Rodriguez sa lalawigang Rizal… at maglilipat nga ng ilang punla sa paligid ng San Beda sa Mendiola… dead smack in the asphalt and concrete wilderness.

Cabinetry o paglikha ng muwebles ang libangan ng katotong pangulo ng bangko—na nagpahanap sa inyong imbing lingkod ng mangkono… kahit ilang piraso lang ang unti-unting tapusin, bawat isa’y ituturing na heirloom piece… pamanang kagamitan.

Ilang taon din kasing totoka ang Mangkokolum sa isang pulo na karatig ng Mindoro Occidental… mangangasiwa sa isang permaculture agro-forestry project… I’d be left mostly alone to my own vices, devising, devices… pero walang dapat ikabahala ang mga nangangamba na hindi na nila matutunghayan ang pitak na ito… hindi na ito panahon ni Henry David Thoreau na magmumukmok at magmumuni sa Walden Pond… unang yugto ito ng siglo ng global interconnectivity…

Magpapanayam pa nga—sa unang linggo ng Pebrero-- sa isang pulutong ng kabataan ukol sa jungle survival… aba’y halos 90% na lang ang nalalabi sa mga dating kagubatan sa bansa… wala nang matatawag na virgin forest—ginahasa nang lahat… so I’m stumped at the idea of jungle survival since our jungles are in their death throes and people who get lost in such wrecked parts of the geography shouldn’t be there, and have no business being there… unless they’re doing permaculture or reforestation.

Sinadya kamakailan ang lunan na lalatagan ng proyekto… matitindigan kahit kapirasong dampa… nagliliwaliw sa paligid ang lawak ng lupa, masuyong halihaw ng hangin, marikit na liyab sa magdamag ng mga bituin… may malapit na sasalukan ng tubig… if there’s a minutiae of chance to get such a project off the ground and soaring, that wee part is the spark of fire that sets everything in the part into a blaze… that wee part is me who won’t wait for things to happen… I happen to things… Homo doctvs is se semper divitias habet… a wise man will make more opportunities even if such cannot be found.

Napansin ng mga kasamahan na pinakamagaan, pinakamaliit ang bitbit kong dalahin nang magtungo kami doon… sa anumang paglalakbay, kailangang pinakamagaan ang dalahin… Omnia mea mecum porto… sabi nga’y taglay ko kung ano lang ako… napakagaan talagang magkipkip ng tala-talaksang kaalaman sa sariling laman…

Hahango lang po ng dagdag pang kaalaman mula sa masuyong pakikipag-ugnayan sa lupa… aba’y sakdal sa tibay at tatag ang mangkono dahil sa kakaibang kakayahan nitong humitit sa lahat-lahat ng metal mula dibdib ng lupa…

Ah, metal mettle won’t come to those ensconced in comfort zones…

Comments

Popular posts from this blog

Cal y canto con camote

FENG shui (literally, wind water flow) lore has it root crops embody a hidden store of treasures. Say, a local food conglomerate needs yearly 35,000 metric tons of cassava for livestock feed-- the available local supply falls short of 13,000 tons. Cassava granules sell for around P9 a kilo. Demand for the same root crop to be used in liquor manufacturing is hitting above the roof. Why, raising cassava is a no-brainer task— this is one tough crop that can grow in the most hostile patches of earth, providing sustenance for ages to dwellers in sub-Saharan parts of Africa. While the hardy cassava is nearly pure starch, the lowly sweet potato or kamote is considered by nutritionists as a super food, the most nutritious of all vegetables— kamote levels of Vitamin A are “off the charts, rich in antioxidants and anti-inflammatory properties.” A fist-sized kamote can supply a day’s dose of glucose to fuel the brain, muscles, and organs, so they claim. Count the country lucky...

Hardin at basura

ni Abraham Arjuna G. de los Reyes May hardin kami sa loob ng bakuran. Meron din sa labas sa bakanteng lote na tapat ng tindahan na konti lang ang layo. Yung hardin namin sa loob ay malago at kumpulan ang mga halaman. Wala na kaming matataniman sa loob. Laging basa ang mga halaman dahil lagi sa amin umuulan. Kapag walang ulan, dinidilig. Sa kinatatayuan ng mga halaman ay mga pasong basag. Mabato ang daanan sa hardin. May mga kalat na shell ng oysters. Dito gumagala ang mga alaga naming pagong, manok, aso, palaka saka mga gagamba. Sa hardin namin sa labas na tapat ng isang tindahan ay malupa. Tabi ng hugis bundok na tambakan ng basura na mabaho at malansa ang amoy. Mataas ang lupa kaya ginawa namin na lang na parang terraces na tawag sa Tagalog ay “payaw”. Ang pagpapayaw ay madaling gawin. Kumukuha kami ng asarol o “mattock” sa English. Ito ay isang metal na walang matulis na talim sa dulo at ito ay nakasuksok sa dulo ng hawakan. Ginagam...

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...