NAPIGTAL marahil sa tangkay ang bungang pinapapak ng bayakan… pumatak sa bumbunan ng pauwi nang suray na lasing, nasapian sa todo tungga ng marka demonyo’t masayang huntahan, inabot ng hatinggabi sa daan…
Dinakot ang bilog na bungang dumikit sa ulunan… inamoy… sobra sa hinog na tsiko, biniyak… isinubo ang kalahati, nginata… sumigid hanggang bituka ang tamis. Akmang isusubo ang nalabing kalahati sa palad, napatingala sa malabay na sanga ng puno… mangga… may humahagikgik doon na aninong kanlong ng mga dahon… tsiko ang nalaglag... mula punong mangga…
Inaninag niya ang hawak na kalahati ng bunga sa palad… malagkit na himaymay ng naligis na damo… malinaw ang nakatambad na hawak: tae ng kabayo!
Dagundong ng kulog ang hagalpak ng halakhak ng dambuhalang anino na ikinukubli ng mga dahon, nakalupasay na may anyo ng tao at kabayo…
Such an eerie pony for my thoughts from a childhood spent in a gentler, more pastoral precincts of Paltok in Quezon City… long gone.
Nahasikan ng asin ang paligid ng tutulugan namin ng kasamang anak… saka maghahasik pa rin ako ng sunod-sunod na dalangin sa magdamag, Viernes Santo… nasa pampang ng ilog, kabilugan ng buwan sa tuktok ng Bundok Makiling, naglalaro ang mga kung anu-anong hugis paru-paro sa mga sanga ng punong balite na nakalilim sa aming mag-ama… basic biology tells me butterflies— they don’t giggle in impish delight-- are diurnal critters, what’s there to pollinate in the dead of night among gnarled boughs of a banyan?
Nakatalungko, nagmamasid sa paanan ng isa pang balite sa kabilang pampang ang anyong kalahating tao, kalahating kabayo… ni hindi nangahas lumapit sa ‘min… iba talaga ang bisa ng asin… at kabilang sa mga isinaulong dalangin ang pipinsala sa tao, engkanto, kapre… tikbalang.
Dapat lang iligpit ang mga gunggong— endangered species of such unfathomed dimensions, say, tikbalang ought to be conserved… they represent an untapped storehouse of dark wonder, of the dim adytum of human psyche, of knowledge yet unknown.
Kapwa bukas ang tercero ojo naming mag-ama… nakikita namin sila.
Teka, “mangingibig sa kabayo” or lover of equines ang tahasang katuturan ng “Pilipinas,” how would an apocalypse turn out if the mounts of the Four Horsemen don’t show and trot through?
Idagdag pang isinilang ang inyong imbing lingkod sa Taon ng Kabayo noong 1954— that makes me a Horse kaya talagang nakahiligan ang kumabayo dahil nga lover of equines ang katumbas ng Pilipinas… that’s a plurality of lovely mares and comely nightmares kaya laging mayroong hiya, hiya, hiya… mula puwerta hanggang rekta, tigidig-tigidig-tigidig…
I would have wished the current tenant of Malacañang not to succumb to the dark side of the Porsche… mas astig kung meron siyang kinakabayo.
That would have neighed truer to his self-ascribed sobriquet, P’Noy.
Isipin na lang kung magilas siyang nakasakay sa mola, kumakayog mula Times St. hanggang Malakanyang… kasabay ang mga alalay na sakay din ng kani-kanilang kabayo… kahit sa bangketa na lang dumaan, hindi sagabal sa daloy ng ibang sasakyan.
Guaranteed one horse power engine per equine that packs a mean kick in the teeth of oil multinationals… hey, grassoline is a lot cheaper than fossil fuels.
Comments