PUMARADA ang mga retrato, sunod-sunod, pero napahikab lang ang kumag… ‘lang kuwentang palabas, walang… putang ama!
Titigok na pala siya. Mga larawang hango sa kanyang buhay ang isa-isang lumiliyab…
Pinanood ang mga retrato. ‘Yon at ‘yon at ‘yon ang nakita.
Nanood at nanood at nanood lang naman siya— laging nakatunganga, usisero, laging miron lang sa mga nangyayari… pulos daldal, pulos laway.
Pinanood niya ang kanyang panonood.
Tagal. Napakatagal. Walang nangyayari.
‘Kakabagot. ‘Kakainip. Pulos gano’n lang?
Walang romansa…’lang libog. ‘Lang katatakutan o lagim… kahit nabuong pantasya o bangungot. ‘Lang sininop na pagkain sa sikmura’t isipan… ‘Lang aksiyon o kahit katiting na salpukan, pulos daldal… urirat kung ano na’ng ginawa (mamaliitin, pipintasan, lalaitin) ng nasa kalapit na bakuran… Wala lang.
Pero gano’n talaga bago matodas—paparada sa isipan lahat at lahat ng larawan ng naging buhay… kahit pa walang katuturan, walang kabuhay-buhay na buhay.
Bakit maghahanap ng magandang mapapanood kung wala namang magandang natupad? Sino bang gumawa ng lintek na iskrip na ‘to kundi siya mismo? Nilalangaw lang. Sino ba’ng direktor nito? Sino’ng may pakana ng ganitong ‘kakaantok na walang patumanggang katangahan?
Pero hindi maipipikit ang mga mata sa panonood… ni hindi mang-uusig ang mga nakalantad na larawan.
Walang napundar o pinagsikapan kahit katiting na mga ari-arian… walang binuong mga kasangkapan na pakikinabangan… nagpalaki lang ng bayag pero ni hindi kumiskis ‘yon sa puday, hindi makapagbilang ng mga babaeng pinatikim ng kaligayahan—mas astig pa ‘yung asong gala, nakarami ng inanakan, may mga sinila, nilapang.
Mas matindi pa pala ‘yung tutulog-tulog na pusa… mga kuko, igtad at igpaw ng katawan ang laging ihinahasa… nagiging bihasa.
Titigok na pala siya. Babawian ng buhay na walang kabuhay-buhay… mas mahusay pa pala ang manok na nagkutkot ng kahit anong butil at bulate sa lupa… mas magaling pala ang manok na putak lang nang putak kapag nangitlog.
Mas matikas pa ang pawikan na hindi man pumutak, maghuhukay sa aplaya, maglalagak ng susunod na salinlahi… saka muling lalangoy patungong laot, maglalakbay sa kung saan-saan, tutuklas ng kung anu-ano…
Ano ba ‘tong tambak ng retratong ipinapalabas mandin para panoorin? ‘Kakapika, walang nangyayari… pulos katsang, pulos ngawa, pulos reklamo’t angal… anong klaseng buhay ‘to?
Ba’t binuhay pa ‘tong ganitong tao? Pampasikip na asungot lang ang ipinapel sa mundo…
Mas mabuti pa pala ang bulate’t mikrobyo, pinagyaman nila ang lupang kinalagakan… nagpayabong ng samut-saring halaman…
Sige, buntunan ng sisi ang sarili… buhusan ng balde-baldeng pintas-lait-libak-mura… sa mga huling sandali ng sariling buhay, ipaparada ang mga retrato ng ginampanan at ginanap sa buhay.
Lintik na palabas, pero sino ba ang gumagawa ng sariling buhay—hindi naman ‘yung mga nasa kalapit na bahay…
‘Kakabagot. ‘Kakainip. Pulos gano’n at gano’n lang?
Humahagalpak sa halakhak si Kamatayan.

Comments