Skip to main content

QWERTY…

UMAAPOY pala ang puso’t puson na isinakay sa mga eroplanong papel. Pero hindi naman nasunog ang magkalapit na bahay na paulit-ulit na binagsakan ng kung ilang eroplano-- bawat isa’y liham ng pagmamahal, kasunduan, at pakikipagtipan.

Natuklasan na lang ang hiwaga ng mga eroplano nang magtanan na ang lihim na magkatipan… pinag-ugnay, pinagbigkis ang mga damdamin ng eroplanong papel…

Kung ako siguro ang kainitan sa pusok ng tusok at tuhog sa mga taon ng 1960, tiyak na boka-boka— sled kite, ‘yung walang balangkas na saranggola—ang pinalipad para maipahatid sa kasuyo ang pinagnanasaan… how aptly symbolic and intensely telling such a message from the heart, boka-boka… para ipasok ang pusok, dapat talaga ibuka.

Lumipas na ang panahon ng payak na abakada… ngayon nga, AB-ZTE-FG $329-million national broadband network scandal na ni hindi pinansin ng mga nasa Ombudsman… na baka tawagin nang Ohbadwoman…

Connectivity remains the ball game in the age of digital information— iPad, eBay, e-mail (me at tagakataga@yahoo.com, habalakibur@hotmail.com), Google, Facebook, Twitter, YouTube, Jobstreet… clitourist.blogspot.com… nearly everything at your fingertips tapping appropriate letters on a QWERTY keyboard.

People still do the content of their communications; the national broadband network provides the platform for lines of connectivity. Say, I can send a text message from my desktop computer to a friend’s cell phone anywhere in the world… or while at my work post at home, join a press conference…

Connectivity has never been easier.

But you still have to connect the dots as my granddaughter Musa does with crayons and coloring books… with hands and mind firm, set lines out… scrawl on colors of your choice to ease the drab dull areas.

And that’s not so easy.


T-teka, lintek na Adlai na matagal na kabungguan ng bote at bumbunan noon sa Tomas Morato Avenue, itinoka na pala ng Inquirer sa Cebu ang damuho… tiyak na doon naman maghahasik ng lagim ‘yon.

Pero bago nagpunta sa kanyang destino, inalam sa mga kaibigan ang numero ng cellphone ko… matagal na rin kasi kaming hindi nagkikita. He came unannounced at my usual Makati haunt one evening, badgered my beer buddies for my number… likely he wants to keep in touch. Madalas siyang sumali sa mga quiz shows, appointed me as his “lifeline” who gets to tackle the toughest questions.

It’s a lot tougher to keep in touch, dear.

Touch.
Dampi ng haplos. Masuyong himas. Maapoy na lamas… It’s done hands-on, not through the extensions provided by the platform of connectivity.

We’ll see. We’ll see each other, dear… Kuwentuhan? Kuwentu… tandaan: gagawa pa rin ng boka-boka para matindi ang pahiwatig-- para ipasok ang pusok, dapat talaga ibuka.

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Kuntaw

I T was more than an implement—tough as metal, soft as petal—wielded like lightning to repulse conquerors. Invading Mactan in 1521, Ferdinand Magellan and his men must have thought that their fabled Toledo steel swords would be more than a match more the island’s native defenders—they were dead wrong. The Spaniards never knew what hit them. In the 1900s, American occupation forces in Mindanao particularly in the Sulu islands found themselves under constant harassment from what they called “crazy hermits” or juramentados . The native fighters would fast for days, go through special religious rites, then go forth to storm American garrisons. Even as the .445 caliber pistol was plied out in 1911 to stop seemingly unstoppable fighters, the Americans still never knew what hit them. Looking back with pride at such points in history when their fighting mettle was unleashed in battle, Filipino Muslims, especially the Tausugs of Sulu will, with a little nudge and tug at their patriotic sentimen...

Baka talisay ang kailangan kung mabilis nilalabasan

KAMBAL na hitang nakabukaka ang pahayag—an open statement na hindi pinid at wala nang pasubali o baka masususugan pa. (“Susog” ang salitang ugat na katakam-takam talagang bigkasin dahil kung nanamnamin at hihimas-himasin para bang susong busog ang ibig sabihin.) We’re trying to make sense of a claim we stumbled into about the fruits of an ornamental tree. To wit: “The kernel of Indian almond has shown aphrodisiac activity, it can probably be used in treatment of some forms of sexual inadequacies (premature ejaculation).” For goodness’ sakes, what are those other forms of sexual inadequacies, er, shortages? What’s Indian almond? Higit nating kilala ang Indian almond bilang talisay. Tinatawag ding tropical almond, Java almond, Singapore almond, Pacific almond . Kilala din sa pangalang umbrella tree, badamier, ketapang, huu kwang , at sa mga botanist na mahilig sa boteny tulad ni Ama, Terminalia catappa . Makatas ang hinog na lamukot ng bungang talisay—karaniwang dilaw o namumula ang ku...