Skip to main content

Linteknolohiya talaga!


NAGHUHUMIYAW na uhaw ng laman na laging ipapangako na didilaan, didiligan—laging sa gano’n aagos na alon ang aming usapan, kaming dalawa lang… guguhit na kidlat at liyab ang mga salitang ihahanay, isusuksok sa global information superhighway…

Seek heat and you shall find…
pero sa higit 95 milyon, isa lang bawat 100 Pilipino ang gumagalugad sa world wide web

Sa bawat 10 Pilipino na nabitag ng global web, siyam sa kanila ang lalaro ng online games—Farmville, Mafia Wars, Plants vs. Zombies-- o babad, ‘kikipaghuntahan sa social network sites (Facebook ang pinakasikat)… isa lang yata ang sasaliksik, hahalungkat ng mga kuntil-butil na kaalaman.

Nakabuyangyang ang larawan ng inyong imbing lingkod sa kanyang pitak sa Facebook at sariling web log, mangkokolum.blogspot.com… buong tiwala na kipkip sa braso ang panganay na apo, gumagala sa lawak ng tumana… pero nasisipat pala ang igting ng kalamnan sa buong katawan, napapansin ang balasik ng mata’t nguso, pati gaspang sa hagod na baga ng bigote… so there are heat-seeking missiles and many a heat-seeking Ms.

Finders, keepers…

Sa sandaling ito… bubungkalin sana ang inilagak sa Facebook na ilang bahagi ng talumpati ni Martin Luther King Jr. nang tumanggap siya ng Nobel Prize… tungkol sa natitibag, nalansag na mga hangganan ng tao sanhi ng teknolohiya… pero ubos na pala ang biniling panahon sa ikinargang P100 Internet access card para sa 20 oras… mas malaking panahon ang nilamon sa umaatikabong satsatan ng bunsong anak sa bago yatang nililigawan at iba pang kaibigan sa Facebook…

P100 spent for 20 hours… time can be a giddy joyride through cyberspace… maybe time to learn more, love more.

Offline, I step out of virtual reality, find my bearings
… nahagip ng tanaw ang misis sa kusina, humakbang tungo sa kanya… hinimas sa likod saka pinupog ng halik sa batok… sanay na siya sa ganoong lambing… lalo na ang mga alagang aso’t pusa na walang kaabug-abog na hahagurin, susuklayin ko ng kamay sa ulo’t likod… susuklian ng masuyong kahol o kalmot, na mag-iiwan ng galos sa kamay o alingawngaw sa pandinig.

Nasanay na rin yata ang haliging semento’t mga punong kawayan sa timog silangan ng aming bakuran… ritwal tuwing umaga na lapatan sila ng masinsin, sunod-sunod na bigwas, tampal, kaldag ng kamay at braso… saka ilalapat ang mga dulo ng daliri sa bunganga ng palamuting banga doon—iaangat… paulit-ulit na ihahasa ang “Kamay ng Demonyo”… that serves as conduit to geo-magnetic currents in the earth’s bowels… kaya buo’t matibay pa rin ang anim na pirasong tisa, nakasalansan sa sariling sikmura…

Kevin Kelly: “Today technology suggests software, genetic engineering, virtual realities, bandwidth, surveillance agents, and artificial intelligence. You wouldn't hurt your toe if you dropped any of this.”

Shut off from the ubiquity of current technology, I’d be left to my own devices, devises… include vices.

I’d say some efficiency can be ramped up by technology… that’s applied science that give a boost to whatever habits a user/consumer plies out without qualm, without a shred of thought… efficiencies can be ramped up, get those efficiencies first…

Swapped a few lines online with a comely workmate in Makati… wrote I’d give her a hug… she replied, won’t mind getting one…


Ilang oras lang na bumabad sa opisinang sinadya, hindi kasi kaya ang tindi ng lamig-aircon… inalok niya ako ng jacket… nilapitan na lang siya, hinagod nang marahan, masuyo’t mahinahon sa balikat at likod… hindi na kailangan pang maglakbay ang kamay sa iba pang lunan sa kanyang katawan… field trip na kasi ang tawag do’n.

That’s an online threat made good…umalis akong nakangiti siya, makahulugang ngiti.

Kitam, tinitimbang saka tiim ang bitaw ng bawat salita… and better be true to your word, do honor to your economy of words… less is more—less ought to be said, more to be done.

Mas katiting na sandali ang ginugol mula 20 oras ng P100 Internet access card… pero laging dadating sa pakay na marating… mas maligoy nga ang satsatan sa cyberspace ng bunsong anak, mas marami yatang sablay o hindi tuloy sa ibig puntahan… kung anu-ano pa kasing pasikot-sikot sa taltalan.

Sa kaunting sandali ng pagliliwaliw online, may ilang nagmamanman, nagnanamnam… tinunton ang mga naiwan kong bakas… sa sariling web log, sa Facebook, sa mga nalathalang sinulat… seek heat and you shall find.

Naghuhumiyaw na uhaw ng laman na laging ipapangako na didilaan, didiligan—laging sa gano’n aagos na alon ang aming usapan, kaming dalawa lang… guguhit na kidlat at liyab ang mga salitang ihahanay, isusuksok sa global information superhighway…

Unlike an e-book, an invite or an electronic plane ticket sent to my e-mail, I can’t download her… so we both go offline, trudge into mundane reality for down-to-earth desires to align.

Finders, keepers…

Comments

niggz said…
:) fruitful.

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina

Cal y canto con camote

FENG shui (literally, wind water flow) lore has it root crops embody a hidden store of treasures. Say, a local food conglomerate needs yearly 35,000 metric tons of cassava for livestock feed-- the available local supply falls short of 13,000 tons. Cassava granules sell for around P9 a kilo. Demand for the same root crop to be used in liquor manufacturing is hitting above the roof. Why, raising cassava is a no-brainer task— this is one tough crop that can grow in the most hostile patches of earth, providing sustenance for ages to dwellers in sub-Saharan parts of Africa. While the hardy cassava is nearly pure starch, the lowly sweet potato or kamote is considered by nutritionists as a super food, the most nutritious of all vegetables— kamote levels of Vitamin A are “off the charts, rich in antioxidants and anti-inflammatory properties.” A fist-sized kamote can supply a day’s dose of glucose to fuel the brain, muscles, and organs, so they claim. Count the country lucky

Every single cell of my body's happy

I got this one from Carmelite Sisters from whose school three of my kids were graduated from. They have this snatch of a song that packs a fusion metal and liebeslaud beat and whose lyrics go like this: "Every single cell of my body is happy. Every single cell of my body is well. I thank you, Lord. I feel so good. Every single cell of my body is well." Biology-sharp nerds would readily agree with me in this digression... Over their lifetimes, cells are assaulted by a host of biological insults and injuries. The cells go through such ordeals as infection, trauma, extremes of temperature, exposure to toxins in the environment, and damage from metabolic processes-- this last item is often self-inflicted and includes a merry motley medley of smoking a deck a day of Philip Morris menthols, drinking currant-flavored vodka or suds, overindulgence in red meat or the choicest fat-marbled cuts of poultry and such carcass. When the damage gets to a certain point, cells self-de