Skip to main content

Kamot eh


'Langya, hindi pala puwede ang subscript at superscript dito...

SARAP namnamin ng nilalaman ng kamote. Naglalagak ng mayuming tamis sa salabat, kahit sa pinakbet o anumang nilaga.

Mauungkat tuloy ang tamis mula lamang-ugat. Saan ba mauugat.

Sa pananaw kasi ng mga bihasa sa feng shui, sumasagisag ang kamote, gabi, lamang-ugat ng loto, labanos, liryo at mga katulad na pananim ang kakayahan na magtipon ng yaman at kasaganaan sa mismong lupang pinanindigan… paunti-unti man, tuloy-tuloy naman.

Aba, nagsasalitan ng anyo ang bagay at enerhiya, batay sa isinasaad ng E = mc2… o mahahango ang enerhiya mula timbang (mass) ng bagay, pinarami sa pinarami pang sariling taglay na bilis ng liwanag (c = 300,000 kilometro bawat segundo, c2 = 90 bilyong kilometro isang segundo).

Masusukat sa pag-ungkat, m = E/c2 o nahango ang katiting na timbang mula sala-salabat na sambulat ng lakas na ipamamahagi sa tala-talaksang haginit ng kidlat… isinakay daw ni Albert Einstein ang kanyang diwa sa kidlat upang maturol ang salitan ng anyo mula enerhiya, liwanag at timbang ng bagay.

Sa pagpapalit ng anyo, hahabi ng laman mula sa mga hibla ng humahaginit na liwanag, hahango ng laman mula sa lakas ng sambulat.

Kahit santipak na kamote, bumuo ng payak na anyo’t nagtipon ng kaunting bigat mula walang humpay na agos ng liwanag at mga sagitsit ng pagsambulat sa sanlibutan…

Nakakatuwa ang himala ng kamote—mula hangin hahango ng lason, CO2 at mula lupa hihitit ng katas, H2O… pagsasanibin ang dalawang sangkap sa lunti at liwanag… may nabuo nang arina at kaunting protina na isasalin upang maimbak, uumbok sa sisidlang ugat… alinsunod pa rin sa itinakdang batas, m = E/c2.

Aliwalas o kulimlim man ang kalangitan, walang tantan sa himala ang kamote… walang tigil sa gawaing pag-imbak ng pagkain… kaya siguro ang almusal na gasuntok na kamote’y sapat ang taglay na pantustos-lakas upang magliyab ang utak, humango ng liwanag hanggang sa tanghalian.

Kaya naman lubusang nasunod ang tagubilin ng naging guro noon… go home and plant camote!

Napakasimple ng himala ng kamote… sa munting puwang na sinadlakan…mag-ugat na sasaliksik sa dibdib ng lupa… sumunggab mula sa liwanag at iba pang sangkap ng pantustos sa paglago ng sarili… mag-imbak upang may makinabang.

Mahigit yata sa sangkilometro na putol-putol na baging ng kamote ang nabitbit noon ng mga lumalaking anak sa hinahawang kalawakan ng kugon sa isang bahagi ng Sierra Madre…

May kung ilang hanay ng kamote ang naitusok sa lupa sa simula ng tag-ulan. Umusbong naman. Hindi na nakapagbantang lalago, papalit sa hinawang lawak ng kugon.

Nagsoga ng ilang kambing ang isang tagaroon, tanod-lupa. Nilamon ang mga umuusbong na kamote— makakaya ba namin bumitbit ng mga lamang-ugat ng kamote mula Sierra Madre?

Nanumbalik ang latag ng kugon. Hindi na kami bumalik doon.

Comments

Anonymous said…
hehehe. galing-galing medyo nose bleed lang ako sa lalim ng mga tegelog!

mahusay!

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina

Cal y canto con camote

FENG shui (literally, wind water flow) lore has it root crops embody a hidden store of treasures. Say, a local food conglomerate needs yearly 35,000 metric tons of cassava for livestock feed-- the available local supply falls short of 13,000 tons. Cassava granules sell for around P9 a kilo. Demand for the same root crop to be used in liquor manufacturing is hitting above the roof. Why, raising cassava is a no-brainer task— this is one tough crop that can grow in the most hostile patches of earth, providing sustenance for ages to dwellers in sub-Saharan parts of Africa. While the hardy cassava is nearly pure starch, the lowly sweet potato or kamote is considered by nutritionists as a super food, the most nutritious of all vegetables— kamote levels of Vitamin A are “off the charts, rich in antioxidants and anti-inflammatory properties.” A fist-sized kamote can supply a day’s dose of glucose to fuel the brain, muscles, and organs, so they claim. Count the country lucky

Every single cell of my body's happy

I got this one from Carmelite Sisters from whose school three of my kids were graduated from. They have this snatch of a song that packs a fusion metal and liebeslaud beat and whose lyrics go like this: "Every single cell of my body is happy. Every single cell of my body is well. I thank you, Lord. I feel so good. Every single cell of my body is well." Biology-sharp nerds would readily agree with me in this digression... Over their lifetimes, cells are assaulted by a host of biological insults and injuries. The cells go through such ordeals as infection, trauma, extremes of temperature, exposure to toxins in the environment, and damage from metabolic processes-- this last item is often self-inflicted and includes a merry motley medley of smoking a deck a day of Philip Morris menthols, drinking currant-flavored vodka or suds, overindulgence in red meat or the choicest fat-marbled cuts of poultry and such carcass. When the damage gets to a certain point, cells self-de