WALA palang alam sa salpukan ng isipan ‘yung nakipagtaltalan kay Capt. Rolando Mendoza, wala raw aklat-gabay o nasulat na manual sa mga ganoong kagipitan… kaya dumadagundong ang halakhak ng daigdig sa sablay na diskarte ng mga isinabak sa Luneta.
Sa huli kong dalaw sa dojo, dalawa lang ang inabot kong nagsasanay kung paano umagos na tila tubig ang galaw… parehong Tsinoy, mukhang wala talagang hilig ang Pinoy na sumalang sa hasaan ng diwa’t katawan.
Simple lang ang sabi no’n ni O-Sensei Morihei Ueshiba ukol sa tubig… malulunod lang sa agos ng tubig ang pinakamarahas na daluhong. Magpapatianod lang sa ragasa’t sagasa ng unday o bigwas saanman patungo… bigay-hilig… kamukat-mukat, ‘yung sariling lakas at dahas ng dumaluhong ang nagbulid sa kanya.
“When an opponent comes forward, move in and greet him; if he wants to pull back, send him on his way.
“In Aikido we never attack. An attack is proof that one is out of control. Never run away from any kind of challenge, but do not try to suppress or control an opponent unnaturally. Let attackers come any way they like and then blend with them. Never chase after opponents. Redirect each attack and get firmly behind it.”
Puwede na palang maging batayan ng masusulat na aklat-gabay sa hostage-taking crisis ang mga tagubilin ni O-Sensei Ueshiba…
“The Way of a Warrior, the Art of Politics, is to stop trouble before it starts. It consists in defeating your adversaries spiritually by making them realize the folly of their actions.
“The techniques of Aikido change constantly; every encounter is unique, and the appropriate response should emerge naturally. Today's techniques will be different tomorrow. Do not get caught up with the form and appearance of a challenge. Aikido has no form - it is the study of the spirit.”
An’lalim na yata niyon… nasangkot na pati pamumulitika, aampat agad sa sigalot bago pa man ito sumulpot at makapulupot… justice delayed, justice denied unless P150,000 is given to Ombudsman… ito yata ‘yung corporate terms matagal nang ipinagduduldulan sa mga namumuno at pinamumunuan… proactive (kunwari may ginagawa kahit wala), passion for suction (iba na ang magaling sumipsip), shift-shape to adapt to shifting conditions (bumalimbing).
Hanggang sa satsat lang naman.
‘Yan ang kinagigiliwan ko sa sining-tanggulan… kahit may practical and tactical applications sa pagsasanay o totoo nang salpukan, lapat na lapat pa rin at maisasalang hanggang sa iba’t ibang larangan ng pamumuhay, in every sphere of human activity.
Saka mayroon pa ngang spiritual dimension ang kasiningan… talagang hindi katawan lang ang pinapanday sa pagsasanay ng sining.
Saka ‘yun nga, kapag nagsasanay ng iba’t ibang posisyon at pamamaraan, masayang pumapel na nage… laging pumapasok sa uke.
Comments