TAYO ay magbilang, magbilang ng bangkay
Sa mga naganap na lagim sa bayan…
Ang mga nasawi’y baka malimutan--
Hapdi sa gunita ay panandalian.
Alaalang tigmak sa pagsusumamo
At mga pagtangis sa bangis ng punglo…
Hibla ng hiningang nilagot sa bugso
Ng lupit, kaylapit sa pisi ng puso…
Pero ilalayo… saka tatanawin
Mga kaluluwang sinakmal ng dilim.
Sipatin, sukatin at muling bilangin
Ang mga kalahi’t mga panauhin.
Kaligtasan nila’y dito inilagak
At sa lupang ito sila nga’y yumapak
Na walang pangamba—hindi nga talastas
Talaksang panganib nitong Pilipinas…
Umulan ng ulat… umambon ng tingga…
Tumaghoy ang buwang tumanaw sa lupa—
At nang mabilang na katawang bulagta…
Nakita ay siyam, pawang namayapa.
Taimtim na bilang ang ipagsisiyam
At inonovena sa siyam na araw
Nang kalmot sa budhi bahagyang maibsan…
Tarak ng pagsumbat, baka maiwasan…
‘Asan ba ang backhoe na ginamit sana?
Yari lang sa lata ang bus ng turista
O nalimot na ba ng ating pulisya
May heavy equipment sa pananalasa?
Yanig ang daigdig—siyam ang nasawi.
Walo mula Hong Kong, isa ang kalahi…
Atin ngang bilangin, bilangin pang muli
Pati na pagbilang baka magkamali!
Walong panauhin sa ating lupalop
Ang nakaligtaang kupkupin nang lubos…
Iisang kalahi nama’y binusabos
Katarungang hanap, tingga ang sumagot.
Muli ngang magtuos, mag-ungkat ng bilang--
Bilanggo sa bilang ang ating isipan
Pagbilang ay dapat babalik-balikan
Baka mayroon pang nakakaligtaan…
Ibibilang silang nilamon ng dilim
Saka ibabaling naman itong pansin
Sa mga kalahing sinakmal ng lagim—
Limampu’t pito lang nang ating bilangin.
Timbangin ang bigat nitong kamatayan
Bilangin ang bilang nilang mga bangkay
Sa Quirino Grandstand at sa Ampatuan…
Saka mag-apuhap kung may katarungan…
Sa mga naganap na lagim sa bayan…
Ang mga nasawi’y baka malimutan--
Hapdi sa gunita ay panandalian.
Alaalang tigmak sa pagsusumamo
At mga pagtangis sa bangis ng punglo…
Hibla ng hiningang nilagot sa bugso
Ng lupit, kaylapit sa pisi ng puso…
Pero ilalayo… saka tatanawin
Mga kaluluwang sinakmal ng dilim.
Sipatin, sukatin at muling bilangin
Ang mga kalahi’t mga panauhin.
Kaligtasan nila’y dito inilagak
At sa lupang ito sila nga’y yumapak
Na walang pangamba—hindi nga talastas
Talaksang panganib nitong Pilipinas…
Umulan ng ulat… umambon ng tingga…
Tumaghoy ang buwang tumanaw sa lupa—
At nang mabilang na katawang bulagta…
Nakita ay siyam, pawang namayapa.
Taimtim na bilang ang ipagsisiyam
At inonovena sa siyam na araw
Nang kalmot sa budhi bahagyang maibsan…
Tarak ng pagsumbat, baka maiwasan…
‘Asan ba ang backhoe na ginamit sana?
Yari lang sa lata ang bus ng turista
O nalimot na ba ng ating pulisya
May heavy equipment sa pananalasa?
Yanig ang daigdig—siyam ang nasawi.
Walo mula Hong Kong, isa ang kalahi…
Atin ngang bilangin, bilangin pang muli
Pati na pagbilang baka magkamali!
Walong panauhin sa ating lupalop
Ang nakaligtaang kupkupin nang lubos…
Iisang kalahi nama’y binusabos
Katarungang hanap, tingga ang sumagot.
Muli ngang magtuos, mag-ungkat ng bilang--
Bilanggo sa bilang ang ating isipan
Pagbilang ay dapat babalik-balikan
Baka mayroon pang nakakaligtaan…
Ibibilang silang nilamon ng dilim
Saka ibabaling naman itong pansin
Sa mga kalahing sinakmal ng lagim—
Limampu’t pito lang nang ating bilangin.
Timbangin ang bigat nitong kamatayan
Bilangin ang bilang nilang mga bangkay
Sa Quirino Grandstand at sa Ampatuan…
Saka mag-apuhap kung may katarungan…
Comments