Skip to main content

Ars longganisa, vita brevis


HAHAGOD sa panlasa ang kakatwang anghang ng bawang at tamis-asim ng basi—binurong katas ng tubo-- na naging suka sa pagnamnam sa longganisang Vigan… may dampi ng oregano—“aliw ng kabundukan” o “ligaya sa rurok” (synonymous to orgasm) ang katuturan nito— at hibo ng atsuwete sa linamnam ng longganisang Lucban… banayad ang sikad ng bawang mula suriso ng Alaminos, Pangasinan…

Andap lumantak ng surisong Pampanga, may bahid kasi ng salitre…pang-untag sa pamumulaklak ng mangga pero sangkap din sa pampasabog… baka sa tuloy lang na salin-kain, humantong sa tinatawag na kritikal na antas sa katawan ang salitre’t baka kung ano pa ang sumambulat, mwa-ha-ha-haw!

Sabi nga, ars longa, vita brevis o mahaba ang sining, maikli ang buhay…

Kaya naman kung patikim-tikim sa kapirasong suriso lang ang pakay, hindi na buong bulugang baboy ang nais isoga sa bahay at isingkaw sa buhay ng dumaraming bilang ng mga Pilipina.

Sure, surveys point to food as top topic of small talk hereabouts…where over 20 million barely make ends meet and don’t earn enough to buy food.

Sex matters is at the lowest rung among subjects stepped on, not too well-trodden even in casual conversation… what the hiccup, it takes daring to bring up some fastfood for thought, even second thoughts, yeah, second thoughts as equally tasteful with a grain of salt… maybe with groin assault
.

Asahan na umaatikabong patintero ang mangyayari sa isinusulong na mga panukalang batas ukol (1) reproductive health ng kababaihan at (2) diborsiyo—na matagal nang ipinapatupad ng mga Muslim dito.

Tiyak na manghihimasok sa usapin ang Simbahan, tulad ng panghihimasok sa pagpapatupad ng sex education, which isn’t solely sex but more of education.

Isang kasama sa trabaho ang nakipagsiping makailang ulit sa naibigang katalik… siya pa ang nanligaw sa lalaki pero nilinaw ang talagang nais niyang hantungan ng relasyon… tutuldukan kapag nabuntis siya… lalaki ang kanyang isinilang, isinunod sa kanyang apelyido…patay na ang ama ng bata na tinutustusan niya ang pag-aaral ngayon.

Seloso, batugan kaya walang trabaho at palaasa lang sa magulang ang nakabuntis sa isang kumare… hiniwalayan niya ang kupal na ‘yon, bitbit ang kanilang naging anak na mag-isa niyang pinag-aaral… ni hindi umaamot ng kahit katiting na tulong o sustento, kahit nagigipit kapag nagkasakit ang bata o matindi ang gugulin sa bawat pasukan sa eskuwela…

Iresponsable ang guwapong bumuntis sa isa pang kumare… namamalimos pa siya dati ng sustento, panggatas ng bata, konting panggastos… nanghinawa rin, inako na lang ang pananagutan sa pagpapalaki ng inaanak ko.

Godfather ba ‘ko na tumatayong ama? More god than father sa tingin ng kani-kanilang ina… madaling gumawa ng bata, hindi madaling maging ama. Saka iba pa ang tumatayo para sa kanila, mwa-ha-ha-haw!

Maikli nga naman ang buhay. Hindi dapat aksayahin sa ngitngit o inis sa katalisuyo sanang walang loob sa paninindigan at pananagutan.

Vita brevis, ars longa… saan pa ba isisiksik na lungga ang longganisa?

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina

Cal y canto con camote

FENG shui (literally, wind water flow) lore has it root crops embody a hidden store of treasures. Say, a local food conglomerate needs yearly 35,000 metric tons of cassava for livestock feed-- the available local supply falls short of 13,000 tons. Cassava granules sell for around P9 a kilo. Demand for the same root crop to be used in liquor manufacturing is hitting above the roof. Why, raising cassava is a no-brainer task— this is one tough crop that can grow in the most hostile patches of earth, providing sustenance for ages to dwellers in sub-Saharan parts of Africa. While the hardy cassava is nearly pure starch, the lowly sweet potato or kamote is considered by nutritionists as a super food, the most nutritious of all vegetables— kamote levels of Vitamin A are “off the charts, rich in antioxidants and anti-inflammatory properties.” A fist-sized kamote can supply a day’s dose of glucose to fuel the brain, muscles, and organs, so they claim. Count the country lucky

Every single cell of my body's happy

I got this one from Carmelite Sisters from whose school three of my kids were graduated from. They have this snatch of a song that packs a fusion metal and liebeslaud beat and whose lyrics go like this: "Every single cell of my body is happy. Every single cell of my body is well. I thank you, Lord. I feel so good. Every single cell of my body is well." Biology-sharp nerds would readily agree with me in this digression... Over their lifetimes, cells are assaulted by a host of biological insults and injuries. The cells go through such ordeals as infection, trauma, extremes of temperature, exposure to toxins in the environment, and damage from metabolic processes-- this last item is often self-inflicted and includes a merry motley medley of smoking a deck a day of Philip Morris menthols, drinking currant-flavored vodka or suds, overindulgence in red meat or the choicest fat-marbled cuts of poultry and such carcass. When the damage gets to a certain point, cells self-de