NAUNGKAT sa pagsasangla ng kaluluwa ni Faust sa diyablo kung ano ang mas mabilis umigkas kaysa 300,000 kilometro bawat segundo—ang tulin ng liwanag. Isip daw.
Balikan ang m = E/c2, masisipat na mas mabilis palang makapagbawas ng bulto ng bigat (mass) kung ibibigkis ang isip sa liwanag… kaya yata naging labaha sa nipis ang tabas ng katawan nina Siddharta at Hesukristo matapos paigkasin at ibigkis ang isip sa liwanag…
Magandang halimbawa ‘yan para sa mga ibig magbawas ng timbang at naghahangad mapaganda’t maging katakamtakamtakam ang hubog o hubong katawan.
Lintik naman sa tindi ang iigkas na enerhiya o lakas kapag magkaniig ang kahit konting bigat (m) at magkabigkis na bilis ng isip/liwanag (c), o E = mc2.
Aikido, qigong, wuyiquan, taiqiquan, shorin-ryu karatedo… pulos nakasalalay sa mahigpit na gagap sa mga batas ng physics—isa sa mga kinagigiliwan kong aralin hanggang ngayon, walang humpay sa tangka na ibigkis ang isip at liwanag.
In the 1920s, researchers at Springfield College in Springfield, Massachusetts caught a number of frogs, tied up one of their legs. In two weeks, the bound legs had grown bulkier and stronger.
Nakabigkis ang isang paa, nagpumilit ang palaka na igalaw ito… and it must have taken all pent-up, wound-tight energies of mind and body to cause a bound leg to stir.
Talagang kapag pinigil, manggigigil.
Nang makalag na ang bigkis, pumapaling na ang katawan bawat igpaw ng palaka… nakagawi sa mahinang paa… ginagamit na pantukod, katangan o fulcrum ang mahinang paa para umigkas ang mas malakas.
Sa may kaalaman sa sikaran, madali nang basahin ang pagpaling ng katawan… pati na ang igkas ng paa. Reading is a lot more than making sense of words, grasping both intent and content. Mas masayang bumasa ng galaw… at ipagkakanulo sa anyo ng alinmang katawan kung dumaan o hindi ang mga bahagi nito sa bigkis…
What about minding the bind, whoopsydaisy, binding the mind? Ibibigkis ang isip para lintik sa tindi ang igkas at bigkas?
Aba’y naglipana kahit saan ang may maluwag sa kokote… it’s a tall order bundling up the mind in a tight knot, keeping it in taut reins. Keeping mind in a bind, that’s along the way to mastery… kakaunti silang mga maestro na makakapagturo ng pamamaraan.
Para sa mga apo na lang ‘yan—para hindi papalag kapag iginapos na ang katawan at isipan sa mga aralin. Physics lessons aren’t exactly likeable and they won’t likely like the lessons they’ll go through.
Pagbabalik-tanaw din ‘to sa naging unang guro namin sa physics, si Miss Elizabeth Lim, ‘musta na kayo, ma’am?
Pasasalamat na rin sa isa sa mga masugid na sumusubaybay sa pitak na ‘to, isang nuclear physicist, ‘musta na ‘dre?
Comments