KULANGOT man ang sosyo sa Hacienda Luisita nina Presidentita Cory at mga anak, simbigat ng batong ilohan— a huge carabao-driven stone cane-crusher—ang nasabit sa kanilang leeg… ipinagduduldulan ng mga Kaliwa’t Saliwa dapat ipamahagi na ang sugar hacienda ng angkang Cojuangco sa mga nagsasaka nito bilang pangunahing halimbawa ng pagpapatupad sa repormang pansakahan… na hindi nagawa ni Tita Cory, malayong maipatupad nina Noynoy at mga kapatid.
Kukutuban… mga Kaliwa’t Saliwa ang kapural nang harangan at tulusan ng mga bandilang pula ang bukana ng Hacienda Luisita noong Nobyembre 16, 2004—nauwi sa ratratan, 12 humarang pati dalawang bata ang nasawi, daan ang nasaktan… walang nasakote sa mga rumatrat… sinisi ni Noynoy ang mga humarang… nabanggit na karamihan sa mga nasawi ay hindi naman namamasukan sa Luisita… baka minumulto pa rin sila ng mga iyon.
Langib ng sugat na natuklap, dumugo uli ang Luisita sa kaigtingan ng kampanya… sabit sa balag ng alanganin ang Noynoy, naungkat ang hindi matuloy na balak na kumalas sa Luisita… ipagbili sa sinumang interesado ang kanilang katiting na sosyo… maybe execute a deed of donation of such shareholdings to my sugar from Capas, Tarlac-- sweet Dang Pineda… lunas na de-kahon, they ought to think out of the box… and decisions borne of political will-- like charity-- begins at home… they have yet to begin.
Bakit kasi kung kailan namamayagpag na sa kampanya, saka sumusulpot ang ganitong sabit… na kung ilang ulit nakaligtaan… o sadyang nakakalimutan… o talagang hindi inaasikaso. Kaya natetengga. ‘Tapos biglang-bigla. Sasalampak na tila ensaymada ng kalabaw sa sariling mukha.
‘Hirap talaga magpalusot. ‘Hirap ding makalusot.
Possessions possess possessor. Mahirap kumalas, lalo na ngayong saliwa na rin ang takbo ng klima— the hideous reality of global warming that continually wreaks havoc on crop and livestock yields… so sugar prices are on an unprecedented upswing owing to global production shortfalls plus dire fact that artificial sweeteners are murderous to your health… so sugar-derived profits can be sweeter this time… so would Noynoy yield “a little over 2% of hacienda shares” to cozy up to aggie nitpickers?
Pawang mga kapatid ni Tita Cory ang may hawak sa 70% ng Hacienda Luisita, Inc. Ipinamigay na nila ang 30% sosyo sa mga magsasaka ng Luisita sa pamamagitan ng stock distribution scheme.
Tinga na lang ang maililimos ni Noynoy… kung sakaling tutuparin niya ang ipinahayag na bibitiwan ang Luisita… bakit hindi naisipang ibenta na lang ang konting sosyo sa majority shareholders para mawala ang kargo de konsiyensiya’t bagahe sa pulitika?
Matinding pagbraso ang kailangan niyang gawin sa kaangkan para isalong nila ang 6,435-hectare plantation estate sa repormang sakahan. Ubrang gayahin si Money Villar… kudkurin ng bulldozer, gawakin ang mga pananim… tayuan ng subdivision for quick short-term windfall.
‘Hirap tugunan sa hokus-pokus na pangako ang mga suliranin sa sakahan… Noynoy has yet to come to grips with aggie woes in his own backyard. It won’t likely be any better for him tackling such on a nationwide scale.

Comments