DALAWANG pamilya ang humahango ng asin sa 500-metro kuwadradong irasan, tig-sampung sako sambuwan sa kasagsagan ng tag-init. Lumipas ang 20 taon, apat na pamilya na ang humahango ng asin… tiglimang sako.
Naisipan na ipatupad ang land reform sa irasan, hinati-hati… lalatagan ng magkahiwalay na pilapil bawat pitak kaya kulang sa tig-125 metro kuwadradong pinitak bawat pamilya… siyempre nagkahindut-hindot ang bulto ng hinahangong asin, nabawasan pa ang limang sako sa bawat pamilya… malaki ang bawas sa kita.
Hindi na mahalaga ang kabawasan sa tuusan, nagkahati-hati na, wala nang aangal pa. Tutal, pare-pareho naman silang gunggong, they’ll be clueless on the niceties or maybe efficiencies gained from economies of scale, economies of scope, or Voltes V synergy which is usually whispered in a hissing hot stream of breath to a beloved’s ear, “Let’s bolt in!”
Or maybe, it didn’t occur to such nitwits that it’s saner to share among themselves the fruits of the land instead of dividing the land.
There’ll be landlords, drug lords, jueteng lords—at mukhang silang mga nakasalang sa bisyo ang nakakaunawa ng mahusay na pamamalakad ng kabuhayan batay sa produksiyon… hindi sa lupa o anumang sangkap ng produksiyon. Kay Bill Gates yata galing ang hirit na “the most precious resource man has lies between his ears.”
Kaya walang paki si P’Noy sa Hacienda Luisita—kulangot lang ang kanyang sosyo sa naturang taniman ng tubo’t pabrika ng asukal… na hawak ng isang korporasyon na umuugit at namamalakad sa operasyon.
Kaya huwag nang sulsulan para makialam si P’noy o kahit si Kris Aquino at Boy Abunda, ‘musta ka na, ‘dre, ba’t hindi mo na ‘ko isinasama sa raket?
Saan man sipatin, wala talagang major river system na dumadaan sa Tarlac… aangkat pa ng tubig na pantustos sa mga pananim mula sa pinakamalapit na dam sa mga kanugnog na lalawigan… kapag nanalasa ang El Niño, salanta ang mga pananim, umaatikabong pagkalugi… at pasanin ‘yon ng korporasyong may hawak ng Hacienda Luisita… pasanin din ng konsumer na kapag may sugar cane or beet crop failures, alagwa ang presyo ng asukal.
‘Buti pa si Boss Danding Cojuangco na kahit panginoong maylupa, talagang maglulupa sa Guimaras at Negros Occidental… sa halip na tubo ang palaguin sa kanyang mga pataniman, umarangkada sa multiple cropping system—mangga, ilang-ilang, high-value crops.
Pinangarap niya minsan na palitan ng mango juice ang orange juice bilang worldwide favorite breakfast drink… kaya tumodo talaga sa pagtatanim ng mangga.
Kahati sa kayod, kahati sa kita—at may mga bonus pa—ang kanyang mga tauhan.
Pero hindi nagkahati-hati sa lupalop whose fruits barely meet a huge demand for mangoes and ilang-ilang oils.
Comments