Gourd, an idiom for noggin, noodle, coconut, what's between your ears.
NATUTUKOY ang mga taal na katangian batay sa mga panlabas na palatandaan—hermeneutics ang tawag ng katotong Dr. Jimmy Abad sa ganoong pamamaraan.
Sa panahon ng mga botox at batak beauty, beauty becomes as elusive as quicksilver, uh, quack silver siguro ang tawag sa mga huwad at balatkayo pala… beauty can’t be grasped in the eyes of the beholder when thoroughly reworked over and over and again and again in the hands of a cosmetic surgeon… Lo se y no lo se and behold, or better yet, hold it… hold it or lose every sense of it…
Dumalaw sa dojo ng kapatid sa racket science at hanapbuhay mula pagsusulat… pinansin na maganda raw ang aking bikas at pangangatawan—aba’y kung sinu-sino na ang umalipusta na mukha raw akong hayok na bayawak o modelo sa gamot kontra-bulate sa tiyan… inungkat kung gusto ko bang lumaro ng aikido.
Edad-36 raw nang una siyang lumusong sa mga aralin nito… hindi raw kasi niya maitadyak nang mataas ang kanyang mga paa… ngayon nga’y nagsusuot na ng hakama na parang itim na saya, tinatawag nang sensei o guro.
Edad-10 naman ako nang makamit ang kuro-obi, parang gerilyang Vietcong na napasalang ang mura pang isipan sa maraming aralin, paglilimi at sakit ng katawan, gumugulong sa kusutan, hubad at pajama lang ang pang-ibaba… umiigkas pa rin ngayon na lagpas sa ulunan ang mga paa, pero hanggang rib cage, neck and temple areas ang inaabot ng kadyot ng magkabilang paa…shorin-ryu o “daloy ng tubig mula hinawang bahagi ng kagubatan” ang tahasang katuturan ng sinimsim, tinaimtim na pamamaraan… karatedo na nauwi yata sa karat lang
Hango din sa galaw ng tubig ang pangalan ng kanyang dojo—mushin. “No-mind” o walang diwa ang katuturan. Reflexive action… every body part somehow flicks out on its own, seeking harmony out of the disturbance in the life force… parang tubig na kusang liligwak o kikilapsaw kapag ginalaw, pero manunumbalik sa katiwasayan. Dalawang mag-aaral ang inabot kong nakikipagsanay sa kanilang guro sa makinis na bagsak at gulong ng katawan… sa tila tubig na pagdaloy ayon sa marahas na daluhong at salakay.
So I beheld sheer beauty of poetry in motion.
So fangled old-fashioned, the quantum physics notion of the body-mind unity… the martial arts idea that every body part, every weapon a body wields is merely more than an organic extension of the mind, so George Bernard Shaw, “Have a sound mind, the body follows!”
“Lanka” ang taguri ng kuntaw—a Filipino martial art-- sa mga panlabas na anyo, kilos at kislot ng katawan na maaarok, matitiyak ang antas ng kasanayan ng katawan o talim ng diwang tinataglay. It’s a less than thorough reading of the body-mind, not unlike Dr. Abad’s hermeneutics—natatalos nang lubusan ang mga taal na katangian batay sa mga panlabas na palatandaan.
I’m that old and arcane in such ways martial and unflinchingly old-fashioned.
At talagang mas masarap lumantak sa lamukot ng lanka.
Comments