Mangkokolum (right) and flinty journalist Willy Baun enjoy their silicon-rich beers, rather than suck at silicon pacifiers..
SA halip isaksak mas masayang isalin sa katawan ang silicon, ilaklak!
Nakapihit na raw ang mundo sa silicon paradigm o mga gawi sa gawain at takbo ng isipan… Kasi, namamayagpag nang lubusan ang silicon microchip semiconductors na laman-loob ng computers, mobile phones at iba pang samut-saring electronic equipments sa tahanan at tanggapan, sa buong lipunan.
Bumuntot na sa tayutay ni William Blake hinggil sa pagsipat sa kamunduhan, oops, sanlibutan nga pala… sukat-sipat sa kabuuan ng sanlibutan sa butil ng buhangin.
So we now “see the world” as Blake nudged us to do,” in a grain of sand,” which is largely of silicon.
Idagdag pa ang kakaibang paraan ngayon upang maretoke ang katawan, silicon augmentation… pagpapatambok sa humpak na suso o tumbong, kahit ilong na parang sinagasa ng pison. Talagang isinasalaksak sa laman—kaya matatawag na maanghang pero malalapang, silicon carne.
Lubusan na ngang nalulong sa silicon, na bulto ng nilalaman ng tulyapis at ipa o chaff… so we winnowed chaff from rice grains and, these days, took to cherishing chaff. Kaya naging mas mahalaga ang pabalat-bunga kaysa bunga, the empty expendable outer appearance took on greater import than grain of sustenance.
Hindi naman maitatakwil ang silicon, lalo na ang isa nitong anyo—silicea or silicic acid na isang uri ng asin na natutunaw din sa tubig— nakapaloob sa mga magkakadugtong na kalamnan ng katawan at sa mismong utak… at mainam ang ganitong asin na panlaban sa pagod, para sa mas malakas na isipan…
Pantulong din sa “absentmindedness, crankiness, headaches from nape of neck to top of head settling in one eye, nausea, nervous exhaustion, falling hair, sties, floating spots before eyes, red tip of nose, violent sneezing, thickening of nasal mucus membranes with congestion, intensely painful hemorrhoids, large abdomen in children, uric acid deposits in urine, smelly feet and armpits, pus formation, boils, tonsillitis, stomach pains, brittle / ribbed nails with white spots and weak ankles.”
At kaysa lumantak ng silicon carne, mas tipid sa bulsa ang lumaklak… alak pa… pilsen with high levels of malted barley and hops…that can be enjoyed with a vengeance in establishments like Thirstday near the corner of Perea and Paseo de Roxas in Legaspi Village, Makati, that’s where most habitués and hangers-on have likely steeped their noodles and noggins in the silicon-rich drink for so long a time… they have kept their minds and kept off crankiness.
At dahil pampalakas nga ng isipan ang kinagigiliwang inumin doon, madalas na kahindik-hindik ang mga lumulutang na usapan… which is why a gaggle of foreign journalists, martial arts students, law practitioners, ad men, mad men and racket scientists regularly haunt the hang-out.
Comments