MAPAGHAHATI-HATI ang 360 antas ng sambilog sa 40 lagok— a complete circle’s 360 degrees divided into nine cycles equals 40 degrees for each cycle of activity. As math would have it, a degree consists of 60 minutes; a minute = 60 seconds. Talk about time and timing, eh?
May butal na 5.25 na mga araw sa singkad at sikad ng santaon na may 360 araw o antas—sambilog din na malalagok nang hinay-hinay, tig-40 tungga ang laan bawat pinagkakaabalahang gawain sa pamumuhay.
Go, figure out for yourself the nine most important areas of your life… and do time management, chunking 40 days for each area in a year’s span.
Ituring na usapang lasing ‘to—in vino veritas… hic-hic-hic-hiccup… and when I’m that inebriated, I don’t do hiccups but whatever contents there’s to be slurped and sucked in 40-D cups. So, so much nostalgia to plunge down in, there in mammary lane, mwa-ha-ha-haw!
Alak pa!
Aba’y tumungga ng 40 taon ang mga Hudyo, pagala-gala’t paikut-ikot na parang naulol na aso sa kahungkagan ng disyerto… nakapanghihinayang na usad ng panahon na kung kahit ilang libong piso na isinalong sa bangko, tiyak na malaki na rin ang nadagdag na tubo.
T-teka, sa disyerto rin nagtungo pero hindi lumantak ni tumungga ng kahit anuman sa loob ng 40 araw ang Manunubos… magagaya-gaya-puto-maya-h’wag-ka-nang-mag-aksaya ang ganitong diskarte ng mga Kristiyano umano sa Pilipinas, para tipid-gastos ang umaabot daw sa apat na milyong pamilya—na kung anim katao bawat pamilya, aba’y 24 milyon din pala, ubrang tiis sa gutom at uhaw sa 40 araw na singkad.
Baka nga matapos ang ganoong tiisan, susulpot na rin ang demonyo’t manunukso, patatamain na ang nagpakagutom-uhaw sa lotto, jueteng, o kahit sa sakla.
Kumbaga sa nag-aaral magpalipad ng eroplano, tala-talaksang oras ang dapat maitakal sa pagmamaneho sa himpapawid… patuloy na hasa para maging bihasa.
Sa bawat sambilog na nilalagok, hindi lang yata iilang patak ang tinutungga para sa pagsisinop ng “kamay ng demonyo” mula wuyiquan… laklak talaga, kasi hindi makakaputak na parang binabaeng manok ang may alak na nilalasap sa bunganga… kasi nga’y taimtim ang paniwala-- speak not unless you can improve the silence.
Alak pa!
Kahit usapang lasing lang ‘to, talagang bilog ang guhit at maiguguhit sa pagsulong ng gulong ng buhay… which was why we pointed to the 360 degrees in a circle, with nine segments or parts of one’s life that must rock and roll… we drive that which takes us where we want to go.
Meron nga lang na dapat dalhin sa vulcanizing shop para matagpian o pabombahan kaya ng hangin dahil impis na… at meron ding pudpod na ang gulong, nakalublob lang ang isang bahagi sa walang katapusang putak.
Comments